BALAYAN, Batangas — MASAGANANG buhay hindi lamang sa panahon ng Kapaskuhan kundi maging sa nalalapit na hinaharap para s amga mamamyan ng Kanlurang Batangas ang inihatid ng Tanggapan ni Cong. Eileen Ermita-Buhain sa pakikipagtulungan sa Kagawaran ng Agrikultura.
Ito’y matapos maipamahagi sa mga kababayang magsasaka ang pamamahagi ng mga baka at kalabaw sa pamamagitan ng programang DA-National Livestock Program.
Layunin nito na maparami ang produksyon ng livestock, kasama na ang mga produkto nito, nang sa gayon, ang mga naturang produkto ay mabili nang mas mura ng ating mga kababayan. Kasama na rito ang pagnanais na mas maging competitive ang ating mga farmers at mas lumaki ang kanilang kita. Idagdag pa ang magandang epekto nito sa ating food security at sustainability.
Ayon kay Cong Eileen at sa katuwang nitong asawa na si Eric Buhain, sa pamamagitan ng patuloy na pagtulong sa ilan nating kababayan, ang lahat ay may pagkakataong makinabang.| – BNN/jmr