MALUNGKOT na inianunsyo ng pamahalaang lokal ng bayan ng Lobo, Batangas, ang pagpanaw ng kanilang Ikalwang Punumbayan, Kagalang-galang Gaudioso R. Manalo sa edad na 75, nitong Sabado, Agosto 24.
Kinikilala bilang โDriver of Changeโ ng bayan ng Lobo, ikinalungkot ng mga residente ang pagyao ng anilaโy mahusay, dedikado at may pusong lingkod ng bayan.
Isang mahusay na abogado, si Vice Mayor Jurly ay nakatapos maglingkod bilang punumbayan ng Lobo sa loob ng tatlong termino. Naging successor niya sa posisyon ang kaniyang maybahay, incumbent Mayor Lota Lazarte Manalo.
Hanggang sa sandalling sinusulat ang balitang ito, wala pang detalye ukol sa burol at paghahatid sa huling hantungan sa namayapang opisyal.| – BNN