28.4 C
Batangas

‘LTO Taal, ganap nang District Licensing Office’ – Rep. Buhain

Must read

- Advertisement -

“KAHIT na masakit ang tinalikuran tayo ng ilan sa ating mga kasama na itinuring ko nang kaibigan at kapamilya, nauunawaan ko sila. Sa kabila ng lahat, buo pa rin ang aking suporta sa kanila. Ganito po akong klaseng kaibigan at kapamilya—hindi nang-iiwan at hindi tumatalikod, lalo na sa mga taong naging bahagi ng aking paglalakbay.”

“Higit pa rito, hinding-hindi ko kayang talikuran ang sinumpaan kong tungkulin para sa Unang Distrito ng Batangas. Kaya naman sa’ting pagpupursigi sa Kongreso, isang mahalagang panukala ang nakapasa na sa ikatlong pagbasa sa Senado. Ibig sabihin, pirma na lamang ng Pangulo ang hinihintay upang ito ay maging ganap na batas.”

Ito ang pahayag ni Congressman Eric Buhain sa panayam ng BNN kaugnay ng pagtutok ng BNN sa mga nalalabing panahon ng mga nakaupong lingkod-bayan, habang papalapit na ang May 2025 Synchronized Mid-term and Local Elections. 

Ang tinutukoy ni Congress- man Buhain  na pinakabagong achievement niya bilang mambabatas at ang inakda niyang House Bill No. 8282 o mas kilala bilang “AN ACT CONVERTING THE EXTENSION OFFICE OF THE LAND TRANSPORTATION OFFICE IN THE MUNICIPALITY OF TAAL, PROVINCE OF BATANGAS, INTO A DISTRICT OFFICE TO BE KNOWN AS TAAL LAND TRANSPORTATION OFFICE (LTO) DISTRICT OFFICE, AND APPROPRIATING FUNDS THEREFORE” ay isa nang ganap na batas na kilala bilang Republic Act No. 12128!

Layunin nito na mas mapalawak ang serbisyo ng Land Transportation Office (LTO) sa Unang Distrito, upang mapadali at mapabilis ang serbisyo para sa mga mamamayan. 

Bukod dito, hindi na kinakailangang bumiyahe pa patungo sa ibang bayan o lungsod para sa mga transaksyon — sa halip, dito mismo sa unang distrito, magkakaroon na ng sariling LTO District Office.

Bago ito, ang Taal LTO Servicing Office ay isang extension office ng LTO-Batangas City District Licensing Office.

“Patuloy po tayong magsusumikap para sa ikabubuti ng ating mga kababayan. Ito po ang ating panata: Serbisyong tapat, serbisyong para sa lahat!” dagdag pa ni Buhain.

Ngayong ganap ng isang batas at maihihiwalay na ang Taal LTO District Licensing Office, maaari na ring mailipat ang lugar ng opisina nito sa mas maluwag at kumbinyenteng lugar para maging lubus-lubos ang serbisyo nito sa publiko.| – BNN News

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

IN some hotly contested positions in the province of Batangas, the results of the just concluded elections simply convey what characterizes the voters’ preferences,...
Leandro Legarda Leviste has won a historic landslide as Batangas 1st District Representative in the 2025 elections. Leviste was accompanied by his mother, Senator...
BATANGAS Capitol – AS the Provincial Board of Canvassers proclaimed the winning candidates for all the positions in the province of Batangas, Board Member-elect...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -