25.8 C
Batangas

Mabilis na Justice System ng Kuwait

Must read

- Advertisement -

SA pahayag ni Pope Francis sa Vatican Easter Sunday Mass ay parang pinalabas niyang wala talagang impyerno. Baka natupok na ng apoy ang impyerno.

-o0o-
Ano ba raw talaga ang halaga ng Easter Sunday? Dahil sa araw na ito ay nagkakaroon tayo ng itlog.
-o0o-
Sa pangkalahatang pagtaya ng PNP, ayon kay Heneral Bato ay naging mapayapa ang paggunita sa Semana Santa sa buong bansa.Kaya lamang ay 34 ang namatay sa pagkalunod sa buong bansa. Kabilang dito ang isa sa Region 1, 6 sa Region 2,3 sa Region 8, 10 sa Calabarzon, isa sa MIMAROPA, 4 sa Region 5,isa Region 6, isa sa Region 7, 2 sa Region 11 at 3 sa CARAGA Region. Ibig sabihin ay pinakamaraming namatay sa CALABARZON.
-o0o-
Bitay ang ipinataw na hatol ng Kuwaiti government sa mga amo ni Demafelis. Natakot seguro na baka ipa-Tokhang ni Pangulong Digong ang mga Kuwaitis sa Pinas.
-o0o-
Sa hatol na bitay ay masaya ang mga OFWs at kamag-anak ni Demafelis. Pero, sagot ni Duterte, “Tuloy ang deployment ban!”
-o0o-
Sa bilis ng hatol na kamatayan sa mga amo ni Demafelis ay madaming abogado ang humanga sa Kuwaiti government. Kasi napakabilis ng Kuwaiti justice system, samantalang sa Pinas ay baka 5 taon na ay di pa nahahatulan!
-o0o-
Hanggang ngayon ay problema pa rin ang trapik sa Metro Manila kahit papalit-palit ng mga opisyales. Sa pagpapalit kasi ay mukha lang ang nababago sa mga tongpats collector.
-o0o-
Nagreklamo si Bongbong sa simula ng recount para sa VP na nawawala raw ang audit logs sa Bato, Cama-rines Sur. Hihingi raw siya ng saklolo kay Heneral Bato.
-o0o-
Natuklasan na libu-libong balota ang basa sa loob na ballot boxes. Kailan lang seguro ito binuhusan ng tubig, kasi basa pa! he he he!
-o0o-
Inaasahang dagdagsain na naman ng daan-daang supot pa ang programang libreng tuli na gaganapin sa Tanauan Gym 2 sa April 14 mula 8:00AM hanggang 5:00PM. Ito ay bahagi ng taunang programang pangkalusugan na inihatag ni Tanauan City mayor Thony Halili at VM Jhoanna Corona kaagapay ang mga myembro ng Sangguniang Panlunsod para maibsan ang gastos ng mahihirap na Tanaueños na inaabot ng lampas na ng kabataan o lampas tinedyer na bago pa makapagpatuli dahil sa kakapusan ng pambayad sa doktor. Matatandaan noong isang taon ay mayroon halos 20-anyos na bago matulian at kahit maraming taong nanood ay hindi sila talaga nahihiya. Iyong kapitbahay ko ngang kargador ay 34 anyos na ay di pa tuli at ayaw na siyang tulian at hindi na tablan ng gunting ang etits niya.
-o0o-
Nahalina si Kim Jong Un ng Nokor sa panonood ng K-Pop concert ng mga sikat na South Korean entertainer sa Pyongyang. Malapit nang magkaisa ang Korea. Kaya lang, ay sino kaya ang mamumuno? Iyang tanong na iyan ang simula uli ng away.
-o0o-
Nagpaparehab na raw si Baron Geisler dahil adik sa alak. Buti pa siya, kahit lasenggo ay gustong magbago, di tulad ng adik sa droga, lalong nalululong.
-o0o-
Sinampahan ng kasong administratibo ng militan-teng grupong Akbayan youth sa Ombudsman si Asec. Mocha Uson. Marami ang napusta na mababalewala lang ito.
-o0o-

Hindi pa raw makapagpakabit ng bagong etits si Charice Pempengco, dahil wala pa raw maikabit na malaki-laki ng konti. Ayon naman sa kanyang GF ay hindi bale raw maliit basta malimit.
-o0o-
Grab na lang daw ang bibiyahe sa bansa. Buong isinubo ng Grab ang Uber na hindi na bibigyan ng prangkisa. Ang bigat nang ginawa ng Grab, Grab-eh talaga!
-o0o-
Nakatakdang buniyahe si Pangulong Duterte sa kalapit bansa sa Asia, kabilang ang China, Hongkong at Singapore. Inaasahang bilyong dolyar na investment na naman ang hahakutin niyang pauwi sa bansa., na siyang laging diwa ng kanyang mga biyahe.
-o0o-
Aprubado na sa Kamara ang panukalang batas na nagpaparusa ng 25 taong pagkakulong at multang P100,000 sa mahuhuling nambabato ng sasakyan at namatay ang sakay. Maipatupad kaya ito sa mga bata at tinedyer na siyang karaniwang namba-bato.
-o0o-
Malapit na raw masibak ang matataas na opisyal ng Bureau Of Customs. Wala na talagang magawa sa kanila kapag pera ang pinag-usapan. Walang solusyon sa ismagling kundi gawing pribado ang adwana katulad ng ibang bansa.|

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
MANILA, Philippines — THE U.S. Embassy in the Philippines will open a new Visa Application Center (VAC), launch an updated visa appointment system, and expand call center services to U.S. citizens in the Philippines starting on September 28. The new...
TANAUAN City -- TUMINDIG at nanindigan ang mayoriya ng Sangguniang Panlungsod ng Tanauan City na harangin ang panukalang Php 615.7-milyong Supplemental Budget na anila’y hindi tamang paggastos ng pondo ng bayan. Sa regular na sesyon ng Sanggunian nitong Martes, Agosto...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -