25 C
Batangas

Mag-anak at tricycle drayber patay sa karambola ng 4 na sasakyan

Must read

- Advertisement -

In photo: TILA pinitpit na lata ng sardinas ang kotse ng pamilya Bautista matapos araruhin ng rumaragasang trak sa kahabaan ng Daang Maharlika, Brgy. San Jose, Sto. Tomas, Batangas.|PNP PHOTO

By JOENALD MEDINA RAYOS

- Advertisement -

STO. TOMAS, Batangas — MISTULANG inihabol pa sa paggunita sa Araw ng Undras ang trahedyang sinapit ng isang pamilya at isang tricycle driver matapos araruhin ng isang humahagibis na trak ang tatlong sasakyan sa kahabaan ng Daang Maharlika, sakop ng Brgy. San Jose, sa bayang ito, Oktubre 28.

Ayon kay Chief Inspector Erickson Go ng Sto. Tomas Municipal Police Station, mabilis na tinatahak ng trak naturang highway ngunit nawalan ng kontrol ang drayber nitong si Ruel Jarabese, 44 ng Ibabang Iyam, Lucena City, nang tumigil sa kalagitnaan ng highway ang isang Honda TMX tricycle upang tumawid sa kabilang kahabi ng highway.

Dahil dito, nawala sa linya ang naturang trak at bumangga ito sa mga kasalubong na pampasaherong bus ng Bicol Isarog Transport Systemss, Inc. na minamaneho ni Florentino Densing, 50, ng Punturin, Valenzuela City, at isa pang Toyota Vios na kotse.

Napuruhan ang mag-anak na sakay ng kotse – ang nagmamaneho na si Engineer Rencie Bautista, 33; ang may-bahay niyang si Remedios Bautista, 33, isang bank assistant manager; at ang kanilang 4-taong gulang na anak na si Zyryn Athena.

Napuruhan din at binawian rin ng buhay ang drayber ng tricycle na nakilalang si Calexto Racasa, 64, ng Barangay Sabang, Magdalena, Laguna.

Sugatan naman ang kaniyang mga pasaherong sina Jonas San Juan, 37; Aldrin Racasa, 22; at Aaron Racasa, 13.

Kaagad namang isinailalim sa kostudya ng pulisya ang draybe rng trak na si Jarabese at ipaghaharap ng magkakapatong na kaso ng reckless imprudence resulting to damage to properties, reckless imprudence resulting to multiple homicide at reckless imprudence resulting to serious and light physical injuries.

Isinailalim din sa kustodya ng pulisya ang drayber ng bus na si Densing sapagkat dalawa sa mga pasahero niya na nakilalang sina Lutha Huarde, 35, at Vilma Azotea, 57, ang malubha ring nasugatan sa nasabing trahedya.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest article