24.6 C
Batangas

Mag-asawang negosyante, patay sa pananambang

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

BAUAN, Batangas – NAUWI sa maagang pagkasawi ang mag-asawang maaga sanang aalis ng bahay bilang mga negosyante nitong Miyerkules ng madaling-araw, Mayo 30.

Batay sa ulat ni Police Chief Inspector Alfie Salang, hepe ng pulisya sa bayang ito, kay Police Senior Superintendent Edwin A. Quilates, officer-in-charge sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), kasasakay pa lamang ng negosyanteng si Rizal Ambat Abante, 61, sa kaniyang L300 FB van na may plakang POI276 bandang alas-4:30 ng medaling-araw at hinihintay ang pagsakay ng kaniyang asawang si Estelita Salcedo Abante, 60, nang tambangan ng di pa nakikilalang salarin.

Nakagarahe pa noon ang nasabing sasakyan sa kanilang tahanan sa Villa Florentina, Brgy. Manhinao Proper, bayang ito.

Matapos ang pamamaril, kaagad na tumalilis palayo ang nasabing suspek dala ang di pa malamang kalibre ng baril na ginamit sa krimen.

Kaagad namang isinugod ng mga sumaklolo ang mag-asawang biktima sa Bauan Doctor General Hospital para sa agarang lunas ngunit idineklara na rin silang dead on arrival ng doktor doon. Patuloy ang imbestiogasyon ng pulisya sa naturang krimen. |#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
MANILA, Philippines — THE U.S. Embassy in the Philippines will open a new Visa Application Center (VAC), launch an updated visa appointment system, and expand call center services to U.S. citizens in the Philippines starting on September 28. The new...
TANAUAN City -- TUMINDIG at nanindigan ang mayoriya ng Sangguniang Panlungsod ng Tanauan City na harangin ang panukalang Php 615.7-milyong Supplemental Budget na anila’y hindi tamang paggastos ng pondo ng bayan. Sa regular na sesyon ng Sanggunian nitong Martes, Agosto...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -