28.1 C
Batangas

Mag-asawang wanted sa P2-B investment scam, arestado ng Cuenca PNP sa Occ. Mindoro

Must read

- Advertisement -

CUENCA, Batangas – ARESTADO na ng mga tauhan ng Cuenca Municipal Police Station ang mag-asawang pangunahing suspect sa kasong Syndicated Estafa kaugnay ng nabukong investment scam na nakalikom ng nasa P5-bilyong investment mula sa mga biktima noong taong 2023.

Pasado alas-9:00 ng gabi noong Huwebes, personal na pinangunahan ni Police Major Charlie Reyes, hepe ng Cuenca Police ang paghahain ng Warrant of Arrest sa mag-asawang negosyante na sina Ronald Robles Rivera, 34 at Shielan Criscel Dimaano Rivera, 34, ng Villa Rosa Subd., Antipolo del Norte, Lipa City, sa kanilang inuupahang bahay sa Barangay Poblacion, Calintaan, Occidental Mindoro.

Bago ang pag-aresto ay nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na sa naturang bayan nagtatago ang mga suspek na kapwa wanted sa paglabag sa Syndicated Estafa under Art. 315, Par 2(A) ng Revised Penal Code in relation to Sec. 1 of PD 1689.

Mga biktima ng P5-B investment scam nang tumungo ang mga ito sa Department of Justice noong Pebrero 16, 2023.|

Bitbit ang mandamiento de aresto na inisyu ni Presiding Judge Ma. Ludmila de Pio Lim ng Regional Trial Court – NCR Branch 253 Las Pinas City, kaagad na bumiyahe ang Team ni PMaj Reyes patungo sa bayan ng Calintaan sa Occidental Mindoro. At kasama ang Regional Intelligence Division ng MIMAROPA sa pangunguna ni PMSG Anton C. Cambay at PCPT Dennis C. Tariga, hepe ng Calintaan Municipal Police Station,  ay kanilang tinungo ang itinuro ng impormante na tinutuluyang bahay ng mga suspek.

Matapos ang pag-aresto, at kaagad ding bumiyahe pabalik sa Batangas ang grupo ni Reyes, bitbit ang mga arestado at nakarating sa Cuenca Municipal Police Office, pasado alas-5:00 ng umaga ng Hunyo 13, kung saan inilagak at ikinulong ang mag-asawang Rivera.

Matatandaan, na noong Pebrero 16, 2023 ay nagpasaklolo kay dating PCUP Chairman Meynard Sabili si Punumbarangay Ariel Mantuano ng Brgy. Malagunlong, at ang ilan pang nagpakilalang umano’y mga biktima ng investment scam upang maidulog sa punong tanggapan ng Department of Justice (DoJ) sa Maynila ang naturang usapin at makamit ang hustisya sa umano’y panloloko sa kanila.

Hawak ni Punumbarangay Ariel Mantuano ang tseke na inisyu sa kaniya ni Engr. Ronald R. Rivera kaugnay ng kaniyang investment sa Rivercom Construction Development, Inc.

Ang itinuturong umano’y responsable sa naturang investment scam ay ang naarestong si Engr. Ronald R. Rivera, na umano’y presidente at CEO ng Rivercom Construction Development, Inc., ang asawa nitong si Shielan Crisel Rivera, at iba pang kasamahan nila.

“Hindi ko akalaing lolokohin kami ng ganito ng taong ito dahil inaanak ko pa siya sa kasal,” saad pa ni Mantuano.

Ayon naman kay Engr. Jaypee Mantuano, pamangkin ni Kap. Ariel at kababata ni Rivera, hindi nila maisip kung papaanong gagawing lokohin sila sa mga investment na inilagak ng kanilang pamilya.

Sa pagkaka-aresto sa mag-asawang Rivera, nakakita umano ng kahit konting pag-asa na makakamit nila ang hustisya sa mga nagawa sa kanila ng mga ito, kasabay ang panawagan sa iba pang maaaring naging biktima ring gaya nila na magsama-samang subaybayan at bantayan ang magiging paglilitis sa kasong isinampa laban sa mga akusado.

Ang photocopy ng tseke na inisyu kay Jaypee Mantuano, isa sa mga nalokong imbestor.|

Nagsimula umano silang hikayating mag-invest noong Enero 2021. Sa una ay nakapagbigay pa ng interest mula 10% hanggang 25% ngunit nang tumagal ay nawala na pati ang kanilang mga puhunan, hanggang sa tumalbog na ang mga tseke na inisyu sa kanila ni Rivera.

Ilang mga tseke na inisyu umano ni Rivera na nagkakahalaga ng P1-milyon, P40-milyon, P75-milyon, at iba pang halaga ang ipinakita ng mga biktima bilang ebidensya sa kanilang paghahabol kay Rivera.

Pinaniwala umano sila ni Rivera na may malalaking job orders sa Vibro Plant ng Rivercom at dito sila unang inalok na mag-invest ng pamumuhunan. May mga pagkakataon pa anila, ayon kay Kap. Ariel, na isinama sila sa mga quarry site sa Pampanga na sinasabing bahagi ng malaking negosyo ng Rivercom ngunit kalaunan ay nabatid nila na wala palang mga kaukulang permit at hindi na nag-operate, at maging ang sinasabing malalaking job orders sa Vibro Plant ay peke pala at ginamit lamang pain para marahuyo silang maglagak ng pamumuhunan dito.

Ang mga tseke na iniyu naman kay Sugor Soldevilla. SI Soldevilla ay dating nagtatrabaho rin sa Rivercom na narahuyong mag-invest din sa kumpanya.|

Nag-isyu rin ng mga stocks certificates ang Rivercom ngunit ayon kay Kap. Ariel ay nadiskubre rin nilang hindi pala otorisado ang Rivercom na magbenta ng stocks nang kanilang beripikahin sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Matapos ang pagdulog ng mga biktima sa DOJ ay sinikap na ng BALIKAS News na makuha ang panig ng mga Rivera kaugnay ng mga alegasyon ng mga biktima ngunit wala silang sagot hanggang sa noon ding Pebrero 16, 2023 ng gabi ay na-deactivate na rin ang kanilang mga social media accounts.

Matapos naman ang pag-aresto, sinikap ding kapanayamin ng BALIKAS News at iba pang mamamahayag ang mag-asawang Rivera sa Detention Cell ng Cuenca Municipal Police Station ngunit tumanggi pa rin ang mga ito.

Patuloy namang tinitiyak ni former PCUP Chairman Sabili na patuloy niyang aaalalayan ang mga nabiktima na ma-observe ang due process of law hanggang sa makamit ng mga biktima ang hustisya at maibalik sa kanila ang mga pamumuhunang inilagak nila.|- Joenald Medina Rayos / BALIKAS News

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Some speakers deliver data. Others stir something deeper. Professor Naqi Azam, President of Mylynx International Cambodia, did not bring slides to the 2025 Augustinian...
BDO Unibank, Inc. (“BDO” or the “Bank”) is set to issue Peso-denominated Fixed-Rate Sustainability Bonds with a minimum aggregate issue size of PHP5 billion. This...
Megaworld Hotels & Resorts (MHR) invites avid travelers to discover the vibrant Philippine destinations of Batangas, Boracay, Cebu, and Iloilo as it joins the...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -