24 C
Batangas

Maliksi, muling nahalal na pangulo ng LMB

Must read

- Advertisement -

NAHALAL muli bilang pangulo ng Panlalawigang Liga ng mga Barangay (LMB) sa Lalawigan ng Batangas si Board Member Wilfredo Maliksi, ang pangulo ng Association of Barangay Councils (ABC) ng bayan ng Sto. Tomas, sa naganap na eleksyon noong ika-30 ng Hulyo, 2018 sa Provincial Planning and Development Office, Capitol Compound, Batangas City.

Matatandaang naging incumbent Board Member sa Sangguniang Panlalawigan si BM Maliksi nang humalili at ipinagpatuloy nito ang termino bilang Bokal ng nama-yapang alkalde ng bayan ng Bauan, Hermie Dolor, nang manalo itong mayor noong May 2016 election.

Sa nasabing halalan, lahat ng naluklok ay mula sa hanay ni BM Maliksi, na siya ring punumbarangay ng San Juan, Sto. Tomas. Kabilang dito ang nahirang na Vice President na si Medel D. Medrano ng San Pascual; Denison Magahis ng Lian bilang Auditor; at sina Charito C. Pineda ng Calatagan, Constancio B. Diomampo ng Bauan, Sylvia E. Austria ng Laurel, Jerry M. Reyes ng Mataas na kahoy, Aileen R. Ocampo ng San Luis, Alfredo G. Onal ng Sta. Teresita, Kristina L. Gayanilo ng Tanauan City at Alberto “Albert” M. Lopez ng Cuenca bilang mga miyembro ng Board of Directors.

Sinaksihan ang eleksyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) – Election Committee, Commission on Elections, Department of Education, Religious Groups, at Non-Government Organizations.

Ang Panlalawigang Liga ng mga Barangay ay isang organisasyon na binubuo ng 34 na Pangulo ng mga LMB mula sa iba’t ibang lungsod at bayan sa probinsya na naglalayong maging tulay sa pamahalaang panlalawigan upang masolusyunan ang mga kakulangan na hina-harap ng pinakamaliit na unit ng pamahalaan, ang barangay.

Sa isang panayam, nakatakdang ipagpatuloy ni BM Maliksi ang iba’t ibang pro-grama na nasimulan ng LMB tulad ng distribution of barangay supplies; at medical, burial and educational assistance.|JMM /LM

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

By Eunice Jean C. Patron DILIMAN, Quezon City -- INSTITUTIONS around the globe are working toward creating scientific innovations to address the challenges faced by humanity. Likewise, Filipino scientists are striving to find solutions to the Philippines' concerns. The University of...
GET ready to welcome a year of cunning, wisdom, and good fortune! As the Lunar New Year approaches, anticipation builds for the vibrant celebrations that usher in a fresh start. And this 2025, as we embrace the Year of...
"It happened when I was in high school. Mama got sick. Just like that, she was gone," actor and BDO brand ambassador Alden Richards sadly recalled. "My world suddenly stopped. Our savings were quickly depleted. I had to quit school to help...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -