26.3 C
Batangas

Malilit na depositor ng Tiaong Rural Bank, may balik-deposito na

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

STO. TOMAS, Batangas – MATATTANGGAP na ng mga depsoitor ng nagsarang Tiaong Rural Bank, Inc. ang pagbabalik ng kanilang mga deposito na may halagang P100,000.00 pababa simula ngayong araw.

Ayon sa pahayag ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC), nagsimula ng magpadala ng balik-deposito sa pamamagitan ng Postal Money Orders (PMOs) ngayong Martes, Agosto 28, o 15 araw matapos magsara ang TRBI noong Agosto 3.

Kabilang sa mga kwalipikadong tumanggap ng kanilang balik-deposito ay yung ang mga natitirang balanse sa kanilang mga deposito sa nagsarang bangko ay hanggang P100,000.00 lamang, at walang anumang pananagutan o pagkakautang sa TRBI, at may kumpletong mailing address sa record ng PDIC.

Pahayag pa g PDIC, lahat ng tseke o PMO na may halagang PhP15,000 pababa ay maaaring papalitan ng cash sa alin mang lokal na tanggapan ng Philippine Postal Corporation o pinakamalapit na sangay ng Land Bank of the Philippines. Samantala ang mga tseke o PMO na may halagang hihigit pa sa P15,000 ay kailangang ideposito muna sa alin mang lokal na bangko.

Isinara ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang Tiaong Rural Bank sa bisa ng Resolution No. 1240 na may petsang Agosto 2, 2018. Ang TRBI ay may punong tanggapan sa #2497, Maharlika Highway, Brgy. San Antonio, Santo Tomas, Batangas at may pitong sangay sa Batangas City at Lipa City sa Batangas; Imus, Cavite; Calamba, San Pablo City at Sta. Rosa City sa Laguna; at sa Tiaong, Quezon.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

IT all started over coffee, iced choco, and a cake named “Better than Sex”—not a formal memo, just a spark of an idea between...
QUEZON CITY — PRESIDENT Ferdinand R. Marcos Jr. launched a 50% train fare discount for senior citizens and persons with disabilities (PWDs) on Wednesday,...
Senior Citizens Party-List Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes recently made an appeal for a more dignified and compassionate representation of the elderly on both mainstream...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -