By JOENALD MEDINA RAYOS
BAUAN, Batangas — TINAPOS na ng Committee on Ways and Means ng Sangguniang Panlalawigan ang pagdinig sa Revised Revenue Code of 2019 ng bayang ito.
Ayon kay Board Member Leo Malinay, Philippine Councilors League (PCL) – Batangas federation presidentat at tagapangulo ng Committee on Ways and Means, aprubado na in principle sa committee level ang naturang revenue code, pending submission ng mga mahahalagang dokumento na susuporta sa ligalidad ng naturang ordinansa.
Kabilang dito ang katibayan ng pakapaglathala sa isang pahayagang lokal ng sinusugang ordinansa na nagpapatibay na wala ni anuman sa mga itinataas na buwis sa bayan ng Bauan ang lumampas sa 10% na maximum increase na pinapayagan ng Local Government Code of 1991.
Tiniyak naman ni Sangguniang Bayan sectretary Ferdinand Agena na kaagad nilang isusumite ang hinihinging dokumento sa susunod na linggo, upang tuluyan nang mapagtibay sa Regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ang Revised Revenue Code of 2019 ng bayan ng Bauan.| –
– BALIKAS News Network