31.1 C
Batangas

‘Maling deklarasyon ng kondisyong pangkalusugan, may kaparusahan’ – Reyes

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

MALVAR, Batangas – NAGBABALA ang isang opisyal ng pamahalaang bayan ng Malvar sa mga kababayan niyang hindi magdedeklara ng tunay na kondisyong pangkalusugan na aniya’y siyayng susi sa ikapagtatagumpay ng kampanya laban sa mapaminsalang corona virus disease 2019 (CoVid-19).

Sa eksklusibong panayam ng BALIKAS News, sinabi ni Kagawad Carla Reyes na isang malaking dagok sa kanilang mga frontliners at sa kabuuan ng sambayanang Malvareños kung ang isang positibo sa Covid-19 o ang isang potential virus carrier ay hindi magtatapat ng kaniyang kondisyon sa pamahalaan.

“Ngayong panahon ng health crisis dahil sa virus na COVID19, importante na maging tapat ang mga tao at pasyente, sa datos na ibibigay nila sa ating frontliners. Isang pagsisinungaling ay maaaring maging sanhi ng pagkakasakit o pagkamatay ng ibang mga pasyente,” pahayag pa ng kagawad.

Nitong nakaraang Huwebes, isang 71-taong gulang na lolong residente ng Brgy. San Pioquinto ang naitalang ikatlong kumpirmadong positibong kaso ng Covid-19 sa bayang ito.

Ang pasyente umano ay walang travel history, na confine sa isang government hospital sa Manila ng ilang araw dahil ang pasyente ay nilagnat ng ilang araw, sa kasalukuyan ay na-discharged na at asymptomatic na. Sya ay na swab sa nasabing ospital nuong April 17, at ang resulta ay lumabas nuong April 30.

Nagtagal aniya ng isang linggo bago pa naisapubliko ng munisipyo ang kasong ito sapagkat hindi umano nakipag-ugnayan ang pasyente sa kaniyang barangay at sa Rural Health Unit ng Malvar.

Ang ganitong pangyayari ang sinisikap solusyunan ng pinagtibay na Municipal Ordinance No. 30-2020 na magpaparusa sa sinumang indibidwal na hindi magbigay ng tamang impormasyon ukol sa kanilang kalusugan sa panahon ng public health emergency at pandemya.

“Importante na bigyan namin ng pansin sa LGU especially the law makers like us ang ganitong issue. Ito na ang bagong normal kaya pati ang batas ay ibabagay natin sa ating bagong mundo na ginagalawan. Ang ordinansang ito ay magsisilbing babala sa mga tao na magtatangkang itago ang katotohanan ng kanilang kalagayan,” dagdag pa ni Reyes.

Hanggang sa oras na sinusulat ang balitang ito, tatlo (3) na ang naitalang kumpirmadong kaso sa Malvar; bukod sa nasabing lolo, may isa pang naka-admit sa ospital samantalang ang isang taga San Pioquinto rin ay sumakabilang-buhay na.

Isa ring probable case ang namatay na; walo ang suspected case kung saan ay anim (6) dito ang naghihintay ng resulta ng swab test.|- BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -