26.7 C
Batangas

Mandanas, Leviste muling naihalal bilang gobernador at bise gobernador ng Batangas

Must read

- Advertisement -

SA kanilang muling pagtakbo bilang gobernador at bise gobernador, malinaw sa mga numerong lumabas sa Comelec Transparency Server na nakuha nina Gobernador Hermilando I. Mandanas at Bise Gobernador Jose Antonio Leviste ang mga bagong mandato para pamunuan ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas.

Bandang ala-1:47 ng madaling-araw ng Martes, Mayo 10, o anim (6) na oras matapos magsara ang mga presinto, sa 98.11% ng kabuuang mga presinto sa Batangas, batay sa unofficial partial result, nakakuha si Mandanas ng 908,469 samantalang nakakuha naman ng 384,554 na boto si dating Padre Garcia Mayor Prudencio Gutierrez; 71,020 si dating Bise Gobernador Ricky Recto; at 15,081 naman si Praxedes Bustamante.

Sa pagkabise-gobernador naman, nakuha ni Leviste ang 990,208 na boto samantalang nakakuha lamang ng 296,657 boto si dating DSWD undersecretary Jose Anton Hernandez.

Ito ang ikalawang pagkakataon na maihalal si Mandanas sa tatlong (3) sunud-sunod na termino bilang pununglalawigan. At ito rin naman ang ikalwang termino ni Leviste na katambal ni Mandanas, kapwa sa ilalim ng partidong PDP-Laban.

Matapos mag-recess ang Provincial Board of Canvassers (PBOC) ganap na ika-7:00 ng gabi, Mayo 9, inaasahang maipoproklama na ang dalawang matataas na opisyal ng lalawigan sa muling pagtutuloy ng operasyon ng PBOC ganap na alas-nueve ng umaga mamaya, araw ng Martes.|-BNN

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Marvon Drying Services, a company known for drying of herbal plants based in Brgy. Poblacion 2, Laurel, Batangas, strengthened their food safety system implementation through a training on food safety facilitated by the Department of Science and Technology (DOST)-Batangas,...
SA ikalawang pagkakataon, muling nakuha ni incumbent Senior Board Member Ma. Claudette U. Ambida ang pinakamataas na antas ng boto para sa mga kasapi ng Sangguniang Panlalawigan sa katatapos na May 9, 2022 National and Local Elections, dahilan upang...
THREE congressional representatives of Batangas retain their positions while three (3) other new legislators were elected in the May 9, 2022 National and Local Elections. Batangas City’s Lone District Congressman Marvey Marino was reelected for a third term, together with...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -