26.7 C
Batangas

Mangrove Conservation Ecopark, bagong tourist attraction sa Batangas City

Must read

- Advertisement -

PINANGUNAHAN nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño ang blessing at inauguration ng Batangas City Mangrove Conservation & Ecopark sa Sitio 3, Barangay Malitam, noong Martes, October 11.

Ito ay isa sa mga proyekto ng City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) na naglalayong mapangalagaan ang kalikasan at mapigilan ang masamang epekto ng kalamidad tulad ng pagbaha, daluyong, pagguho ng lupa at iba pa.

Ayon kay City Environment Officer Oliver Gonzales, nakakatulong ang bakawan sa pagsipsip ng tubig habang sinasala ng mga dahon nito ang polus-yon.

“Ang ugat ng mangrove ay nagsisilbing blue carbon sink sapagkat sinisipsip nito ang carbon dioxide na mula sa sa hangin at iniimbak nito sa kaniyang mga ugat, sanga at lupa,” sabi ni Gonzales.

Idinagdag pa niya na nag-iimbak ang mangrove ng carbon ng 10 beses na dami kumpara sa mga kagubatan.

Ang naturang mangrove ecopark ay may lawak na 6,500 square meters, at may 500 metro naman ang haba ng eco trail (bamboo walk) dito.

Mayroon itong pitong (7) uri ng bakawan, kagaya ng Bakauan-babae, Bakauan lalaki, Pototan, Busain, Bungalon, Bakhaw-bato at Pagatpat, at may 12 uri or species ng ibon ang na-identify dito, kabilang ang Eurasian tree sparrow, Scaly-breasted munia, Chestnut munia, Olive-backed sunbird, Golden-bellied gerygone , Black-naped oriole at iba pa.

Binigyang-diin ni Mayor Dimacuha na ang naturang mangrove ecopark ay isang eco-tourism site na magbibigay ng maraming economic activities sa lugar.

Ngayon pa lamang aniya ay marami na ang gustong bumisita dito kung kaya’t dapat ay may entrepreneur skills ang mga residente para magkaroon ng pagkakakitaan.

“Sana ay protektahan ninyo at panatilihing malinis, huwag pagtapunan ng mga basura, at sa halip ay palawakin pa ang mangrove area,” hiling ni Mayor Dimacuha sa mga residente.

Ayon naman kay Cong. Mariño, napakalahalaga ng mga bakawan dahlil dito nangingitlog ang mga isda.

Ito rin aniya ay patunay na prayoridad pa rin ng pamahalaang lungsod ang pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran habang patuloy na pumasok ang mga industrial investment sa lungsod.

Ipinaalam din niya ang tuluy-tuloy na construction ng dike na maaari ring maging tourist attraction sa lugar at gayundin ang rehabilitation plan ng Calumpang River upang maging isang tourist destination.|- piobc

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

KINUMPIRMA ng mga tauhan ng Bantay-Dagay ng bayan ng Sariaya, Quezon at mga kasapi ng environmentalist group na Tanggol Kalikasan (TK), Inc. ang presensya ng mga bunading (whale shark) sa Tayabas Bay nitong nakalipas na linggo. Ayon kay Edwin Frias,...
Unhappily married aristocrat Lady Chatterley begins a torrid affair — and falls deeply in love — with the gamekeeper on her husband's country estate. After falling out of love with her husband following a war injury, Lady Chatterley pursues a...
ON a cold Christmas Eve, selfish miser Ebenezer Scrooge has one night left to face his past — and change the future — before time runs out.  “Scrooge: A Christmas Carol” is a new animated feature, directed by Stephen Donnelly,...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -