TANAUAN City — MAS mahigpit at istriktong pamamalakad ang makikita sa Lungsod ng Tanauan sa pagsisimula ng bagong administrasyon sakaling siya ang piliin ng kaniyang mga kababayan bilang bagong alkalde ng lungsod na ito.
Ito ang tiniyak ni mayoralty candidate Angeline ‘Sweet’ Halili , anak ni dating mayor Antonio Halili, sa panayam ng mga mamamahayag sa ginanap na Proclamation Rally ng tambalang Halili-Trinidad sa Plaza Mabini, lungsod na ito, Biyernes ng gabi, Marso 29.
Tiniyak din ni ng batang Halili na kayang-kaya niya ang pressure at ang higpit ng pagpapatupad ng mga batas sa cityhall.
“Kung kinaya ng dad ko, ay ako ba na anak niya, bakit hindi? Ako pa na may maarte, mas istrikta, bakit hindi?” paniniyak pa ni Angeline.
Aminado si Halili na hindi madali ang kaniyang pagpasok sa mundo ng pulitika at ang kaniyang pagkandidato sa May 13 elections.
Aniya pa, lagi niyang sinasabi sa kaniyang mga kababayan na ang kaniyang pagkandidato ay hindi para sa kaniyang sarili o para sa kaniyang pamilya, kundi para mismo sa kaniyang mga kababayan na hinahanap ang liderato ng kani-yang nasirang ama na pinaslang habang dumadalo sa flag raising ceremony noong Hulyo 2018.
“I can’t be selfish ‘no? Kasi kung sarili ko lang ang iisipin ko, hindi ako tatakbo… Kasi nakakatakot eh… at the same time, maayos naman ang buhay namin. Pwede naman akong mamuhay ng tahimik; pero ang problema is, paano naman yung mga tao na nangangailangan? SIla naman ang lumapit sa akin para hingin ako. Kaya kumbaga, I just answered their call. Big bag, big cried. Kasi nagmamakaawa.. On second night ng wake after my father’s assassination, they are crying already . Theya re coming up to me, lumalapit na sila sa akin, nagmamakaawa na sana kayo po ang tumuloy..,” kwento pa niya.
Makakatunggali ni Halili sa pagka-mayor si incumbent Board Member at dati na ring mayor, Fred Corona; dating mayor Sonia Torres-Aquino, at dating DFA-Lipa director Nancy Garcia.
Katambal naman ni Halili bilang kandidato sa pagka-Vice Mayor si Atty. Junjun Trnidad na dati an ring naglingkod bilang vice mayor at city administrator sa ilang administrasyon.|Joenald Medina Rayos