27.4 C
Batangas

Mass testing sa mga high risk vulnerable sector, tiniyak

Must read

- Advertisement -

By EDWIN V. ZABARTE

CAPITOL, Batangas — IPINAG-UTOS na ni Batangas Governor DoDo Mandanas sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ng probinsya, sa pangunguna ng Provincial Health Office, ang pagsasagawa ng mandatory CoVid-19 Test para sa mga itinuturing na High Risk Vulnerable Sector sa lalawigan sa ginanap na linguhang pulong ng Batangas IATF nitong Lunes, Hulyo 13.

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ay kasalukuyang nasa proseso ng pagtukoy sa mga indibidwal na kinakailangang bigyang prayoridad na sumailalim sa Polymerase Chain Reaction (PCR) Test upang mapakinabangan ng wasto ang kapasidad ng mga bagong tayong Molecular Testing Laboratories para sa COVID-19 sa lalawigan.

Bilang tugon sa direktiba, ipinaalam ni Provincial Health Officer, Dr. Rosvilinda Ozaeta, kay Governor Mandanas na kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang Batangas IATF sa mga local government units (LGUs) para sa pagpapasa ng kanilang listahan ng mga priority individuals, na kabilang sa high-risk at vulnerable sector na isasailalim sa swab test.

Ayon kay Mandanas, kinakailangang tutukan muna ang mga taong may pinakamataas ang bantang mahawa ng virus dahil sa limitado pa ang kasalukuyang bilang ng test kits mula sa Department of Health, na maaaring magamit ng pamahalaang panlalawigan.

Sa ganitong paraan, hindi aniya maaaksaya at magagamit ng wasto ang mga test kits sa mga indibidwal na nagkaroon ng close contact sa mga nagpositibo sa COVID-19, partikular ang mga nagpapakita ng sintomas, at mga frontliners na araw-araw na sumasabak sa kanilang trabaho para labanan ang pandemya.

Paraan din umano ito upang maabot ang potensyal na kakayahan ng mga testing laboratories sa lalawigan, kabilang ang mga PCR Molecular Testing Laboratories ng Philippine Red Cross at Batangas Medical Center, na kapwa nasa Lungsod ng Batangas.

Bukod dito, ipinag-utos din ni Governor Mandanas ang patuloy na pagpapalakas sa health program ng lalawigan sa pamamagitan ng pagtutok at pagsugpo sa mga sakit na pangunahing nauugnay sa COVID-19, tulad ng respiratory diseases (tuberculosis, pneumonia, at asthma), diabetes, high blood pressure at heart and kidney ailments. Ang mga nabanggit na sakit ay mga kondisyong nakikitang pinapalala ng COVID-19 virus.

Iniatas din nito na pag-aralan ang pagpapalabas ng ₱50 Milyon na pondo para sa pagpapatayo ng mga healthy kitchens sa mga eskwelahan, pagpapalakas ng organic farming, at pagpapagawa pa na mga quarantine facilities sa iba’t ibang LGU sa lalawigan.|-BNN



- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BATANGAS -- Individuals transferring ownership of properties by way of succession would not need to pay for charges and interests for delayed payment of transfer taxes as the Sangguniang Panlalawigan acted on it with promptness, September 2. In a regular...
SAN JUAN, Batangas -- IN relation to the published Tropical Cyclone Bulletin Nr 08 issued by PAGASA as of 09:00 AM, September 02, 2024, the Philippine Coast Guard - San Juan Sub Station temporarily suspends voyages of all vessels/watercrafts...
NANAWAGAN si Balayan mayor JR Fronda sa publiko ng ibayong pag-iingat at kaagad na magreport sa kanilang barangay o sa kanilang rural health unit, o maging sa mga lingkod ng bayan, kung sakaling may makitang sintomas ng monkey...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -