26.6 C
Batangas

‘Massive fraud’ sa Lipa elections, kumpirmado, ayon sa Comelec

Must read

- Advertisement -

LIPA City – KUMPIRMADONG may naganap na malawakang iregularidad sa nakalipas na halalan sa pagka-alkalde ng lungsod ng Lipa, ayon sa isinagawang imbestigasyon ng Commission on Elections (COMELC), bagay na may malaking epekto sa takbo ng pulitika sa lungsod at sa susunod na halalan.

Sa 198-pahinang Order na nilagdaan ni Presiding Commissioner Socorro B. Inting, inihayag ng Second Division na nadikubre ang may kabuuang bilang na 15,728 rehistradong botante na ang mga pirma at diit (thumbprint) sa EDCVL (Election Day Computerized Voters Lists) ay hindi tumutugma sa kanilang nakarehistratong pima at diit sa Voters Registration Record (VRR).

Sa kaniyang concurring opinion, binigyang-diin ni Comelec Commissioner Antonio Kho Jr. na ang kaganapang ito ay lubos na nakababahala sapagkat ang bilang ng mga balota na kaugnay ng sinasabing iregularidad na ito ay higit na nakapakalaking bilang (15,728) kumpara sa naitalang kalamangan ng naiproklamang alkalde na umabot lamang sa 1,598 na boto.

Ang nakumpirmang iregularidad, ayon sa Comelec, ay matapos lamang marebisa ang may 49 pilot precincts o katumbas ng 20% ng kabuuang bilang ng mga presinto sa lungsod.

Ang karerahan sa pagka-alkalde ng Lipa noong 2019 ay pinaglabanan nina dating bise alkalde Eric Africa at ni MAS Foundation President Bernadette P. Sabili, na kabiyak ng noon ay nakaupong alkalde at ngayon ay undersecretary ng Department of Human Settlement and Urban Development, Meynardo A. Sabili. Nakatunggali rin ng dalawang nabanggit si Mario Panganiban, isang abogado.

Sa nasabing halalan, ang Lungsod ng Lipa ay may kabuuang 200,706 rehistradong botante at 162,042 nito ang nakaboto sa 2019 National and Local Elections, ayon sa tala ng Comelec.

Sa kaniyang 11-pahinang mosyon sa Comelec nitong nakalipas na Huwebes, Setyembre 24, hiniling ng nagpoprotestang si Gng. Sabili sa Komisyon na mabawi na ang petisyong pagrebisa at pag-eksamin sa nalalabi pang 196 presinto (o katumbas ng 80% ng kabuuang bilang ng presisto sa Lungsod ng Lipa).

“Kung sa naunang 20% ng mga presinto ay nakita na ang malaking iregularidad na ito, paano pa sa nalalabing 80% ng mga presinto,” pahayag ni Gng. Sabili.
Nabatid pa na sa 23 pilot protested precints, mahigit 50% ng mga balota rito at kinakitaan ng sinasabing hindi magkakatugmang pirma at diit sa EDCVL at VRR.

Ang mga ito naganap sa mga barangay ng Marauoy, Poblacion Barangays 1, 2 at 7, Bagong Pook, Banay-banay, Bolbok, Lodlod, Muntingpulo, Pinagkawitan, Plaridel, Sabang, Sampaguita, San Carlos, San Celestino, San Lucas, at Tambo.

Magugunitang sa mga barangay na nabanggit ay may mga naiulat ding aberya sa mga vote counting machines (VCMs) at di pagbasa ng SD Cards noong halalan.

Samantala, sa nasabing 23 presintong ito ay nakakuha ng kabuuang 8,525 na boto si Africa at 6,796 si Sabili. Kung sakaling ang mga botong ito na nakuha nina Africa at Sabili ay bawasin sa kabuuang bilang ng boto na nakuha nila, batay sa tala ng Comelec, lumalabas na nakalalamang pa si Sabili ng 131 boto.

Dahil sa pagkadikubreng ito ng Comelec sa nasabing iregularidad, hiniling na rin ni Atty. George Erwin Garcia, abogado ni Sabili, na kung mapagbigyan ng itigil na ang pag-rebisa at pagsisiyasat sa nalalabing 196 presinto, ay madesisyunan na ng Comelec ang nakitang ‘badges of fraud or irregularities’, at maiproklama na ang tunay na nanalong alkalde ng nakalipas na eleksyon.

Bago pa man naihain ng kampo ni Sabili ang naturang mosyon, mabilis na kumalat sa social media sites ang mga akusasyon ng mga tagasuporta ni Africa at sinabing umeeksena lamang umano ang mga Sabili sapagkat isang linggo na lamang ang nalalabi at simula na muli ng paghahain ng Certificate of Candidacy para sa susunod na eleksyon. Nanggugulo lamng uma-no ang mga Sabili na hindi nila napagkikita sa Lipa ngayong panahon ng pandemya.

Kaagad namang sumagot ang nagpoprotestang si Gng. Sabili at sinabing “kasalanan ko ba na tumagal ng ganiyan katagal ang protestang ito? Kung may dapat mainip ay unang-una’y ako yun, dahil ako ang naghain ng protesta. Kung ito ay nadesisyunan ng maaga, mas maaga sanang nakapaglingkod ako sa sambayanang Lipeño.”

Hindi rin anila tumigil ang mga Sabili sa paghahatid ng tulong sa mga Lipeño sa kasagsagan ng pandemya, ngunit ginawa nila ito sa pribadong pamamaraan sapagkat iginagalang nila ang batas at ang proseso ng Comelec.| – BNN / Joenald Medina Rayos

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -