28.2 C
Batangas

Matandang babaeng ninerbiyos sa mga lindol, inatake, patay

Must read

- Advertisement -

LEMERY, Batangas – HINDI na kinaya ng isang ginang sa Barangay Palanas, bayang ito, ang maya’t mayang paglindol bunsod ng pag-aaburuto ng Bulkang Taal, na nagdulot naman ng kaniyang pagkamatay nitong nagdaang Martes, Enero 14.

Sa social media post ng kaniyang manugang na si Nerissa Bangcoro Matanguihan, isang guro, hindi na nagawang lumikas ng kaniyang biyenan, at suspetsa ng kaniyang pamilya na kinapitan ito ng nerbiyos sa madalas na pag-lindol simula pa noong Linggo, Enero 12.

Taliwas ito sa mga kumakalat na posts sa social media na namatay ang naturang ginang ng dahil sa pagkain ng tilapia na hinuli sa Ilog Pansipit.

Matapos namang ipag-utos ang mandatory evacuation kasunod ng pag-locked down sa bayan ng Lemery, kasamang nag-evacuate sa Lungsod ng Lipa ang burol ng sinawimpalad na residente.|- BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

The Bureau of Internal Revenue (BIR) has lauded the Department of Justice (DOJ) for filing 18 criminal charges before the Court of Tax Appeals...
PASAY CITY, Philippines — The second day of the 2025 PASUC Midterm Convention and General Assembly unfolded with powerful discussions aimed at deepening reforms in Philippine public...
WITH growing demand for finance professionals across South and Southeast Asia, ACCA (the Association of Chartered Certified Accountants) is set to host its flagship...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -