BAKIT nga ba maraming Pinoy ang umaalis at nagtatrabaho sa ibang bansa bilang Overseas Filipino? Dahil tulad ng karamihan, gusto nilang guminhawa ang kanilang buhay at ng kanilang pamilya.
Pero ang totoo, napakahirap ang malayo sa mga mahal sa buhay. Kung mayroon lamang pagpipilian, mas masaya at mainam pa rin ang kumita na kasama ang pamilya sa sariling bansa. Kaya kung nakapagtayo na ng negosyo dito, bakit hindi nalang subukang mag-expand o paluguin ito?
Ganito ang naging kwento ni Virginia Salvador na mula sa Santiago, Isabela. Sampung taon syang nagtrabaho sa Lebanon at nakipagsapalaran. Ngunit dahil hindi na sya nakaalis muli mula noong umuwi sya sa Pilipinas ng 2019, nag desisyon na lamang syang tutukan ang kanyang sari-sari store.
Makalipas ang sandaling panahon, ang dating maliit na tindahan ay napalaki nya sa tulong ng MSME Loan ng BDO Network Bank. Nagkaroon si Virginia ng dagdag pondo pambili ng mga paninda. Ngayon, kumikita na sya ng higit pa sa kanyang sahod noong nasa Lebanon sya.
Aniya, “Ngayong patuloy na lumalago ang aking negosyo, nag-decide na rin akong hindi na bumalik abroad at magpo-focus na lamang ako sa aking negosyo. Mas masayang kumita ng pera kasama ang iyong pamilya.”
Para sa overseas Filipinos o kamag-anak nila na tulad ni Virginia na nangangarap mapalaki ang maliit na negosyo, bumisita lang sa pinakamalapit na BDO Network Bank sa para malaman kung paano mag-apply ng MSME Loan. Maaaring bisitahin ang BDONB Facebook page (fb.com/BDONetworkBankPH) o ang BDONB website (bdonetworkbank.com.ph/).