NANAWAGAN si Balayan mayor JR Fronda sa publiko ng ibayong pag-iingat at kaagad na magreport sa kanilang barangay o sa kanilang rural health unit, o maging sa mga lingkod ng bayan, kung sakaling may makitang sintomas ng monkey pox o mpox virus.
Ito’y matapos kumpirmahin ng Department of Health na ang ika-14 na kaso sa bansa at kauna-unahang kaso ng mpox sa buong Calabarzon ay naitala sa bayan ng Balayan.
Nilinaw pa ng alkalde na walang ipatutupad na lockdown sa anumang lebel sa barangay o sa kabuuan ng bayan ng Balayan, sa halip, ang isasailalim lamang sa quarantine ay ang type 1 contact ng biktima na kinabibilangan ng mga miyembro ng pamilya na kasama sa bahay, mga nayakap o nakasama sa isang maliit na lugar.
Narito ang pahayag ni Mayor Fronda: