By JOENALD MEDINA RAYOS
SELYADO na ang panalo para sa ikalwang termino ni Mayor Gualberto Silva ng bayan ng Mataasnakahoy, sa Lalawigan ng Batangas. Ito ay kung ang pagbabatayan ay resulta ng isang survey na isinagawa sa bayang ito mula Abril 25-30, 2019.
Batay sa dokumentong nakalap ng BALIKAS News kaugnay ng isinagawang political survey with satisfaction ratings and win percentage for Mayoral and Vice Mayoral and Vice-Mayoral ng Specialist Research and Survey Group, malinaw na malaki ang abante ni Mayor Silva, kandidato opisyal ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa rekord na 48% kumpara sa naitalang 37% ni Vice Mayor Janet M. Ilagan, kandidato opisyal ng PDP-Laban. Lalong malayo ang nakuhang 9% ni Chester Vergara.
Kapansin-pansing higit pa sa kalahati ng 1000 respondents ang pumili kay Mayor Silva sa Clusters 1 and 2 nang makuha niya ang 56% at 51%, ayon sa pagkakasunod; samantalang halos magdikit naman sila ni Ilagan sa Cluster 3. Ang Cluster 1 ay binubuo ng Barangays 1, 2, 2A, 3, 4, Calingatan at Upa.
Sakaling makuha nga ang man-dato ng kaniyang mga kababayan para sa ikalawang termino bilang alkalde, nangako naman si Mayor Silva na tuluy-tuloy ang tunay paglilingkod para sa mga mamamayan ng Mataasnakahoy at mas maraming proyekto ang ilalatag ng kaniyang administrasyon upang makarating sa taumbayan.| #BALIKAS_News