27.3 C
Batangas

Mayor’s Cup 2018, matagumpay na binuksan

Must read

- Advertisement -

BATANGAS City — BINIGYANG-DIIN ni Mayor Beverley Rose A. Dimacuha ang kahalagahan ng teamwork, sportsmanship at camaraderie sa pormal na pagbubukas ng Mayor’s Cup 2018 sa Batangas City Sports Coliseum, Abril 8.

Sinabi ni Dimacuha na “maraming benepisyong makukuha sa paglalaro ng sports, hindi lamang sa pangkalusugan kundi maging sa paghuhubog ng self-discipline.”

“Nagsimula tayo ng maayos, kaya’t inaasahan ko na matatapos tayo ng maayos at mapayapa kagaya ng mga nakaraang edisyon ng Mayor’s Cup. Isa ito sa mga pioneer projects ng administrasyon simula pa sa panahon ni Mayor Eddie, kaya’t buong-buo ang suporta namin sa larangan ng sports,” dagdag pa ng Mayor.

Dumalo rin dito si Congressman Marvey Marino kung saan sinabi niya na “layunin ng Mayor Beverley Rose A. Dimacuha Cup na ma-develop hindi lamang ang galing ninyo kundi higit sa lahat ang tamang pag-uugali o attitude sa paglalaro ng basketball. Sabi ko nga sa team ng Batangas City sa Maharlika Cup, kahit hindi tayo manalo, ang mahalaga maibigay natin ang buong puso natin sa paglalaro dahil ito ang tatak ng mga Batangenyo.”

Inihayag rin niya na kung sinuman ang tatanghaling Most Valuable Player (MVP) ng Seniors Division, bibigyan ito ng pagkakataong mapasali sa line-up ng Batangas City Tanduay Athletics na kumakampanya sa MPBL. Ikinatuwa naman ito ng lahat ng mga players.

Para sa basketball, mayroong 12 teams para sa Senior’s Division na may age bracket mula 20-39 years old, samantalang 22 koponan naman ang kalahok sa Juniors Category na may age bracket mula 19 years old pababa. Tatlong teams ang nabuo para sa Midget Division na may age bracket mula 12 years old pababa.

May 12 teams ang sumali sa Volleyball Men, at anim para sa Volleyball Women. Mayroon namang tatlong koponan ang lumahok para sa baseball at isa naman para sa softball.

Tinanghal na Best Muse ng liga si Danielle Ambida mula sa Barangay Alangilan. Siya ay tumanggap ng P2,000, sash at tropeo.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -