28.9 C
Batangas

Medical caravan ng magkapatid na Cayetano, nagsilbing tulong para sa daan-daang Batangueño 

Must read

- Advertisement -

BAUAN, Batangas – Sa pagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng 407 Batangueño, nasagawa ang tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ng dalawang araw na medical caravan sa bayan ng Bauan kamakailan na nagbigay tulong sa daan-daang kababaihan at mga ina na naghahanap ng tulong medikal.

“Wala kaming pambili ng gamot kaya andito kami para humingi ng tulong. Salamat po sa nakakaintindi at tumutulong sa mga may sakit. Sana’y pagpalain kayo ng Panginoong Diyos!” mangiyak-ngiyak na ikinuwento ni Lucia Marasigan, isang 70 taong gulang na senior citizen habang isinasagawa ang caravan sa Hon. Hermini- gildo Jasa Dolor Coliseum.

Aniya, pumunta silang magkapatid agad sa lugar ng medical caravan nang malaman niyang magkakaroon ng libreng check-up. 

“Nagpacheck-up ako kasi gusto ko gumaling at nagpapasalamat po ako na ipinagkaloob ng Diyos na ako’y gumaling, pati ang kapatid kong bulag. Wala lang po talaga kaming masasabi. Maganda ang serbisyo at mababait,” dagdag niya tungkol sa kritikal na tulong natanggap niya. 

Pinasimulan ng Cayetano team ang caravan na ito sa tulong nina dating Batangas 2nd District Representative Raneo Abu at Dra. Reina Dolor Abu-Reyes. Isinagawa ito noong Mayo 16 hanggang 17 sa Bauan, Batangas, kung saan napagsilbihan ang 407 na indibidwal, at mahigit walumpung porsyento ng mga benepisyaryo ay mga ina at kababaihan.

Noong May 16, tinugunan ng medical team ang mga pangangailangang pangkalusugan ng 187 kababaihan. Kinabukasan, May 17, pinalawig ng caravan ang mga serbisyo nito sa lahat, ngunit nagbigay pa rin ng medikal na atensyon sa 220 kababaihan. Mismong si Senador Pia Cayetano ang nanguna sa mga serbisyo para sa kababaihan dahil sa kanyang dedikasyon na itaguyod ang kalusugan at kapakanan ng mga kababaihang Pilipino.

Nagbigay ang medical caravan ng iba’t-ibang mga serbisyo tulad ng general check-up, Pap smear, breast at iba pang anyo ng ultrasound, chest X-ray, at mahahalagang laboratory test kabilang ang CBC at urinalysis.

Bilang suporta sa kalusugan ng mga ina, inalok ng pangkalahatang check-up at mga espesyal na serbisyo ang mga buntis kabilang ang mga pagsusuri sa dugo, ultrasound, at mga forum na pang-edukasyon. Bukod pa rito, nagpamahagi rin ng mga multivitamin at mga gamot upang mapabuti ang kapakanan ng ina at anak.

Tiniyak din ng Cayetano team na patuloy na makakatanggap ng pangangalaga sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga gamot sa mga benepisyaryo.

Nagtatrabaho bilang part-time Barangay Health Worker (BHW), isa si Morena Dolor sa maraming nakatanggap ng tulong para sa maintenance medicine.

“Nalaman po namin na magkakaroon ng free check-up kaya nagpalista po kaming BHWs. Nakakatuwa po na may ganitong proyekto dahil nakalibre ako ng laboratory tests. Nabigyan ako ng reseta at gamot para sa sakit ng tuhod ko,” sabi ni Dolor, na isa na ring senior citizen.

Malayo ang narating ng medical caravan dahil pinagsilbihan nito ang mga benepisyaryo na nagmula sa malalayong lugar tulad ng San Pascual, Mabini, San Luis, Bauan, Lobo, Tingloy, Alitagtag, at Sta. Teresita, kung saan madalas na nahaharap sa mga hamon sa pangangalagang pangkalusugan ang mga pasyente.

Naglaan naman ng oras si dating Rep. Abu para pasalamatan sina Senador Alan Peter at Pia Cayetano, mga volunteer, at health professionals dahil sa kanilang suporta upang masiguro ang tagumpay ng caravan. 

Libu-libong pasyente na sa buong bansa ang napagsilbihan ng medical caravan ng mga Cayetano. Patunay ito ng kanilang inisiyatiba sa kahalagahan ng paglalatag ng pundasyon para sa mas malusog na mga komunidad.| – Joenald Medina Rayos

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -