By JOENALD MEDINA RAYOS
“BUHAY man o patay, lahat ng apektadong alagang hayop sa 7-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ay bibilhin o babayaran ng pamahalaang panlalawigan, samantalang iyong mga nasa 14-kilometer extended Danger Zone (DZ) ay iyong mga buhay lamang.”
Ito ang pahayag ni Batangas governor at PDRRMC chairman Hermilando I. Mandanas sa pulong ng Provincial Disaster and Risk Reduction Management Council (PDRRMC) nitong Huwebes ng umaga, Enero 30.
Ayon sa gobernador, pangangasiwaan ng Office of the Provincial Veterinarian (ProVet) ang pag-alam sa imbentaryo at presyohan ng mga nasabing hayop kaya naman kakailanganin din ang tulong ng mga opisyal ng barangay at municipal/city agriculturists offices para maisagawa ito.
Nilinaw pa ni Mandanas na magkakaroon din ng opsyon ang mga may-ari ng mga nasabing hayop na bilhing-muli ang kanilang mga alaga sa panahon na maari na asilang mag-alaga o may lugar na silang maaaring pagdalhan o pag-alagaan sa mga ito.|-BALIKAS News Network.