BATANGAS City — MAY 11 batang namamalimos na badjao sa kalsada ang ni- rescue ng Batangas City Police kasama ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO), July 11, hindi lamang alinsunod sa batas na nagbabawal sa panlilimos kundi bahagi ng operasyon upang maiwasan ang pagkalat ng covid-19.
Ang rescue operation ay sa pangunguna ni City PNP Chief, PLtCol Julius Aรฑonuevo sa ilalim ng kanilang “Oplan Sagip Anghel” at Diosa Atienza ng CSWDO.
Ang mga badjao ay sumailalim sa counseling ng CSWDO kung saan binigyang diin sa kanila na higit na mapanganib na sila ay nasa kalye ngayong may pandemya.
Ang mga bata ay pinakain muna ng City PNP bago inihatid sa kanilang mga pamilya.| PIO Batangas City