31.1 C
Batangas

Mga batikos sa ‘doble-plaka’ law, sinagot ni Sen. Ejercito

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

BATANGS City – SA gitna ng tumitinding iringan sa pakapagpasa ng Motorcycle Crime Prevention Act, pumagitna si Senador Joseph Victor (JV) Ejercito sa mga bumabatikos sa kaniya sa umano’y pagpapabaya niya na hindi maidepensa ang kapakanan ng mga riders bago naipasa ang naturang batas.

Sa kaniyang pagdalaw sa Batangas sa pagdiriwang ng ika-75 kaarawan ni Gobernador Hermilando I. Mandanas nitong Lunes, Marso 25, inamin ni Ejercito na mayroon ngang mga naging kalituhan sa panig ng mga riders matapos bumaha sa social media ang mga komento at sari-saring posts ukol sa nasabing batas.

Layunin ng Motorcycle Crime Prevention Act na makapaglatag ng pambansang polisiya na tutugon sa patuloy na pagtaas ng mga krimeng kinasasangkutan ng mga riding in tandems o mga gumagawa ng krimen gamit ang mga motorsiklo sa kanilang pagtakas matapos isagawa ang krimen.

“Hindi naman natin sila masisisi rin, kasi yung mga nakapost sa social media ay hindi po yun yung batas na inaprubahan, kasi nakalagay dun sa mga ipinost at metal plates eh delikado naman nga po talaga. Ako’y rider din at alam naman po natin yun. Pero ang Republic Act na pinasa… nakalagay po ay number plates, so ibig sabihin po, pwede siyang rubber, pwedeng sticker, pwedeng decals,…” paliwanag ng senador.

Umapela pa si Ejercito sa publiko, partikular sa mga motorcycle riders na hintaying maikasa ng mga konsernadong ahensya ang Implementing Rules and Regulations (IRR) bago tuluyang husgahan kung marapat bang ipatupad o hindi ang naturang batas.

“Hintayin na lang muna po natin ang mas magandang balita, dahil ang DOTr at ang LTO ay nakikinig at sa atin pong pakikipag-usap sa kanila, kasama ang different riders group, ang direksyon ay going towards by decals or stickers instead of metal plates. Son hindi na ho mangyayari yung kinatatakutan ng mga riders na doble plaka sa harapan dahil yan ay delikado ho talaga,” pahayag pa ng mambabatas.

Paniniyak pa ni Ejercito, “yan ay ilalaban ko po, dahil ako’y isang rider din, at wag naman po sanang ako’y pagbibintangan. Wala po akong kasalanan po rito.”

Aniya pa, “naging sobrang busy po ako sa Universal Health Bill, sa department of housing.., ako pa ang tagapagdepensa ng DOTr projects. So ganyan po kami sa senado… kanya-kanya kami ng inaasikaso, kaya hindi ho ako naka-attend ni minsan ng hearing noon. Kasi nga, nagkakasabay-sabay pa, ay ako rin ang nagpepreside sa iba.” Pahabol pa ng senador, “kung sakali man po na sa tingin nyo ay ako’y nagkasala ay pasensya na po, pero gagawan ko naman po ng paraan para maging friendly ang IRR na lalabas.”| #BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -