UMABOT sa 1,479 na pamilya o 5,860 na mga indibidwal, na lumikas at nasalanta ng Bagyong Jolina, ang nabigyan ng relief supplies ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa Unang Distrito ng lalawigan noong ika-11 ng Setyember 2021.
Ayon kay Ms. Jocelyn Montalbo, department head ng Provincial Social Welfare and Development Office, tuluy-tuloy ang naging aksyon ng pamahalaang panlalawigan, sa tagubilin ni Gov. DoDo Mandanas, upang makapagpaabot ng agarang tulong sa mga naapektuhan ng dumaang bagyo.
Mahigit kalahating milyong piso ang halaga ng mga ayudang ipinamigay sa mga pamilya, na ayon sa datos ay umabot sa 353 sa Lemery, 412 sa Calaca, 679 sa Nasugbu, 35 sa Tuy, at 112 sa Balayan. Ang mga ito ay nakatanggap ng iba’t ibang pagkain, tulad ng bigas, canned goods, at instant noodles.
Patuloy pa rin ang pakikipag-unayan ng PSWDO sa anim na distrito ng lalawigan upang makatugon ang pamahalaang panlalawigan sa mga nangangailangang kababayan.| – Mon Antonio Carag III