28.9 C
Batangas

Mga pampublikong ospital sa probinsya, isasailalim sa general audit – Bokal Blanco

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

KAILANGANG maisailalim sa general auditing procedure o pag-aanalisa kung nakatutugon pa ba sa kanilang misyon ang mga pampublikong ospital sa Lalawigan ng Batangas.

Ito ang tinalakay ni Bokal Arthur Blanco ng Ikalimang Purok ng lalawigan sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan kamakailan.

Pahayag ni Bokal Blanco, kailangang isa-isahin ang mga ospital ng pamahalaan ay i-assess nang maayos kung anu-anong mga pangangailangan ang hindi natutugunan dito maging ang mga pasilidad na kailangang isaayos upang maihatid ang tunay na de-kalidad na serbisyo sa publiko.

Aniya pa, may mga natatanggap siyang mga hinaing mula sa iba’t ibang bayan at lunsod ukol sa umano’y hindi maayos na serbisyo o kakulangan ng mga pasilidad na kung bibigyang-pansin ng kinauukulan ay tiyak na masosolusyunan naman.

Dahil dito, hiningi niya ang pakikiisa ng mga kasamang bokal na kung maaari aniya’y makasama niya sa kaniyang mga pagbisita, kasama rin ang mga kinatawan ng Provincial Engineering Office (PEO), Provincial Health Office (PHO) at General Services Office (GSO).

May kabuuang 12 pampublikong ospital na pinatatakbo ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas — ang Batangas Provincial Hospital – Don Juan Mayuga Memorial Hospital sa Lemery; Don Manuel Lopez Memorial Hospital sa Balayan, Apacible Memorial District Hospital sa Nasugbu at Calatagan Medicare Hospital sa Calatagan, pawang sa Unang Distrito;

Lobo District Hospital sa Lobo sa Ikalwang Distrito;

Laurel District Hospital sa Lunsod ng Tanauan, Martin Marasigan Memorial Hospital sa Cuenca at Laurel Municipal Hospital sa Laurel sa Ikatlong Distrito;
San Jose District Hospital sa San Jose, Mahal na Virgen Maria ng Sto. Rosario District Hospital at San Juan District Hospital sa Ikaapat na Distrito;

at Lipa City District Hospital (Granja) sa Ika-anim na Distrito.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -