PINARANGALAN ng pamahalaang lungsod ng Calaca ang mainit na pakikiisa ng mga barangay sa katatapos na Barangay Bazaar Contest na itinampok sa Kapistahan ng Poong San Rafael Arkang-hel, patron ng lungsod.
Sa naturang parangal, binigyang-pugay ng lungsod ang ipinamalas na sipag at galing ng bawat barangay sa pagtatanghal ng kanilang One Barangay, One Product. Kasama ring binigyang parangal ang kanilang pagkamalikhain dahil sa pino at ganda ng kanilang mga kubo!
Kakaiba sa mga pangkaraniwang kubo na makikita sa mga agri-fair sa mga bayan-bayan, naging kapansin-pansin na ang lahat ng kubo ay pawang kakikitaan ng mga bubong na kalaka — o mga biyak na kawayan na magkakatauban.
Kabilang sa mga nangunang kubo ang sumusunod: First Place – Barangay Salong; 2nd Place – Barangay Balimbing; at 3rd Place – Barangay Bisaya.
Kinilala rin ang bazaar entry ng Barangay Mada-lunot bilang Best in One Barangay, One Product Pro-motion; at kinilala naman bilang Best Managed Booth ang sa Barangay Sinisian; at binigyan ng Judge’s Special Prize ang Barangay Lumbang Calzada.
Kabilang naman sa mga nagsilbing hurado sina Mr. Rafael Romulus Catada ng Office of the Provincial Agriculturist; Mr. John Paul Manansala, isang entrepreneur; at si Ms. Maya Refor-ma ng Ledaintuit Communications.
Kinilala rin naman ni City Mayor Nas Ona ang mga kawani ng Calaca City Agriculture Office sa pamumuno Ms. Alicia Cabrera sa matagumpay na pagsasagawa ng Barangay Bazaar.|
Mabuhay ang Calacatchara Festival! Mabuhay ang Calaca City!!!