29.6 C
Batangas

Miss Tourism World Philippines 2018, Kattleen Gomez, kinilala ng pamahalaang panlalawigan

Must read

- Advertisement -

By MARK JONATHAN M. MACARAIG

BILANG pagkilala sa karangalang inihatid sa Lalawigan ng Batangas, ginawaran ng Certificate of Recognition si Kathleen Tagle Gomez mula sa bayan ng Balete, Batangas matapos makuha nito ang titulong Miss Tourism World Philippines 2018 sa ginanap na koronasyon ng Miss Tourism Philippines 2018 sa Chateau Royale, Nasugbu, Batangas, Agosto 25.

Kasabay ng pagsisimula sa pagdiriwang ng Tourism Month ng lalawigan na idinaos sa Batangas Provincial Auditorium, Setyembre 10, personal na iginawad ni Gov. Dodo Mandanas, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, ang parangal sa Batangueña Beauty Queen para sa kanyang ipinamalas na galing sa larangan ng beauty pageant.

Kaugnay nito, hindi lamang ang pagkapanalo sa titulo ang kanyang nakamit, humakot si Gomez ng ilang special awards gaya ng Miss Jergens, Miss MUD, Miss Chateau Royale, Miss Lady Grace at Miss Photogenic.

Ang Miss Tourism Philippines Pageant ay may apat na korona at titulo kung saan ang mananalo ay magiging kinatawan ng bansa sa international pageants, ang Miss Tourism Grand Queen, Miss Tourism Universe, Miss Tourism Ambassador at ang Miss Tourism World.

Si Gomez, 24, ay nagtapos sa kursong Bachelor of Science in Tourism sa First Asia Institute of Technology and Humanities (FAITH) sa Lungsod ng Tanauan.

Matatandaan din na noong isang taon ay sumabak  na ito bilang isa sa mga kalahok sa Miss World Philippines 2017.

Ang sertipiko ng pagkilala na iginawad kay Gomez ay base sa inihaing Resolusyon ni 3rd District Board Member Alfredo C. Corona kung saan nasasaad na makakatanggap ito ng cash incentive mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas alinsunod sa Provincial No. 005 Year 2016 na may titulong Incentive to Batangueño Achievers.

Labis naman ang ipinakitang saya at suporta ni Gov. Mandanas kasama ang mga bokal lalo pa at magiging kinatawan si Kathleen Tagle Gomez sa internasyunal na kumpetisyon para maiuwi ang titulong Miss Tourism World.

Samantala, kinilala rin si Jan Rose de Castro mula sa Rosario, Batangas na nakakuha ang titulo bilang 1st Runner-Up.

Hangarin ng Miss Tourism Philippines Pageant na maitaguyod ang turismo sa pamamagitan ng kagandahan, sining at kultura. Sinisikap din ng nasabing pageant ang makipagtulungan sa mga Local Government Units upang mas maipakita pa ang halaga ng pagkaka-isa sa paglikha ng magagandang oportunidad para sa mga lokal na komunidad.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

ILANG araw na lang ang nalalabi ay matatanggap na ng mga kwalipikadong empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang kanilang bonus! Inihayag ni Governor Hermilando I. Mandanas na pinoproseso na ang paghahanda ng pag-release ng naturang bonus sa ilalim ng...
Land subsidence, or the gradual sinking of the ground, threatens not only Metro Manila but also other cities. Excessive groundwater extraction, rapid urbanization, tectonic motion, and the natural compaction of sediments contribute to land subsidence worldwide. This issue is worsened...
RESEARCHERS from the University of the Philippines – Diliman College of Science (UPD-CS) are recipients of the University’s first-ever recognition for its Research, Extension, and Professional Staff (REPS). The UP Diliman REPS Chair and REPS Awards aims to recognize the...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -