28.7 C
Batangas

Mosyon ni Africa para sa independent examiners, na-denied ng Comelec

Must read

- Advertisement -

“WHEREFORE, premises considered, the Commission (Second Division) hereby DENIES the Motion to Access and to Conduct Independent Examination [of the VRR and EDCVL which are subject of the October 13, 2020 Dactyloscopic and Questioned Document Reports by the Voters Identification Division (VID) of the Election Records and Statistics Department (ERSD) of the Commission] filed by Protestee on January 18, 2020.”

Ito ang desisyong nilagdaan para sa 2nd Division ni Presiding Commissioner Socorro B. Inting sa inihaing mosyon ng Protestee (Eric B. Africa) noong Enero 18, 2020.

- Advertisement -

Bago ito ay ipinadala na ng Comelec sa magkabilang panig — G. Bernadette P. Sabili (Protestant) at Mayor Eric B. Africa (Protestee) — ang kani-kanilang kopya ng resulta ng isnagawang recount and technical examination ng mga dokumento sa 49 contested precincts sa 2019 Local Elections sa Lungsod ng Lip.a

Matatandaang idineklara ng City Board of Canvassers bilang alkalde si Africa matapos makakuha ng kabuuang boto na 78,109 kumpara kay Sabili na nakakuha ng 76,511 boto. Sa tala ng Comelec, lumamang si Africa ng 1,598 boto.

Ang Lungsod ng Lipa ay may kabuuang 200,706 rehistradong botante, at 162,042 nito ay nakaboto noong Mayo 13. Batay sa Certificate of Canvass, ang naitalang lamang ni Africa kay Sabili ay katumbas ng 0.79% ng bilang ng rehistradong botante at 0.98% naman ng mga botanteng nakaboto noong nagdaang eleksyon.

Bawat kampo ay nagkasundo sa bilang at kung aling mga presinto ang magkaka-roon ng recount, gayundin ang isasagawang technical examination ng mga Voters Registration Record (VRR) at mga Election Day Computerized Voters List (EDCVL). Oktubre 15, 2020 sinimulan ang technical examination ng mga nasabing dokumento at pagbilang sa 49 pilot precincts.

Huling linggo ng Disyembre, 2020, ipinadala ng Comelec sa magkabilang kampo ang kani-kanilang kopya ng resulta ng nasabing technical examination of questioned precincts.

Sa kaniyang Mosyon, hiniling ng kampo ni Africa na payagan silang kumuha ng isang independent technical examineers para siyang mag-aral at mag-analisa ng mga kinukwestyong dokumento. Ngunit ayon sa Comelec, isa sa pangunahing gampanin ng komisyon ang pagsasagawa ng technical examination at walang ibang higit na may kaalaman at kapangyarihang isagawa ito, maliban sa Komisyon mismo.

Sinabi pa sa mosyon ni Africa na hindi umano sila binigyan ng pagkakataong makita o makalapit sa viewing distance ang mga kinatawan nito at ma-counter check ang integrity and authenticity ng mga VRR at EDCVL. Sagot naman ng Comelec, ang hindi pagpapadala ng kampo ng Africa ng kinatawan sa oras at araw ng eksaminasyon, bagaman at binigyan na sila ng kaukulang notisya, at pagpa-pakita ng kawalang interes at pagwalang-bahala sa ibinigay na notisya ng Comelec.

Dahil sa mga kaganapang ito, naghihintay na lamang ang mga Lipeño na makapagpalabas ng final verdict o Desisyon sa protesta — kung mananatili nga sa pwesto si Mayor Eric Africa, o kung may bagong alkaldeng ipoproklama bilang resulta ng inihaing electoral protest.|- BNN / Joenald Medina Rayos

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest article