24.1 C
Batangas

Motor vs tricycle, 1 patay, 6 sugatan

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

SAN JUAN, Batangas – DEAD on the spot ang isang drayber ng motorsiklo samantalang sugatan naman ang kaangkas nito, maging ang nabanggang traysikel at mga pasahero nito sa isang head-on collision sa Brgy. Calubcub 2.0, sa bayang ito, nitong Linggo ng hapon, Hulyo 29.

Batay sa ulat ng San juan Municipal Police Station, mabilis na tinatahak ng isang Honda Supremo tricycle na minamaneho ni Roberto Pasuyuin y Mendoza ang kahabaan ng Calubcob Barangay Road nang biglang sumalpok sa unahan nito ang mabilis ding umaarangkadang motorsiklong Rusi Solo 125 minamaneho ni Eufracio Bagnes Ilagan Jr.

Ora mismo, binawian ng buhay ang drayber ng motorsiklo ngunit himalang nabuhay naman ang tumalsik na kaangkas niyang si Romelito Masalunga y Ramos.

Kaagad namang isinugod sa San Juan District Hospital ng mga rumespondeng tauhan ng San Juan Municipal Police Station at mga volunteers ang sugatang si Masalunga pati na rin ang drayber ng tricycle na si Roberto Pasuyuin y Mendoza at mga pasahero nito na sina Vincent Cuerdo y Morales, Airish Villanueva y Sandro, John Ralph Ebojo y Campang, Shiena Cabrera y Silang at Jem Moreto y Silang para sa kaukulang lunas.

Hindi pa mabatid kung nasa impluwensiya ng alak ang mga drayber ng maganap ang insidente. Hanggang sa sandaling sinusulat ang balita, patuloy pa ring iniimbestigahan ng pulisya ang naturang insidente.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Disclaimer: This is an unsponsored article. The sole purpose is to educate and inform the consumers. LET'S have a hindsight look at the “paradigm shifters” in the local retail environment focusing on companies that have dared to modernize and improve...
IN educational settings, the Dunning-Kruger effect manifests with particular intensity and consequence, impacting not only the relationship between teachers and students but also among faculty and administrators. This cognitive bias, where individuals with limited knowledge overestimate their competence, can...
AT least 14 local government units (LGUs) composed of three (3) cities and 11 municipalities in Batangas province, are the new recipients of the Seal of Child-Friendly Local Governance (SCFLG), the Department of Interior and Local Government (DILG) reported....
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -