TAYSAN, Batangas — PORMAL na pinasinayaan sa Brgy. Pinagbayanan, Taysan, Batangas ang isang diagnostic clinic na magbibigay sa serbisyo sa mga mamamayang Tayseño, kahapon ng umaga, Nobyembre 16.
Pasado alas-dyes ng umaga, isinagawa ang pagbabasbas sa pangunguna ni Rev. Fr. Oscar Larry Famarin, kura paroko ng Nuestra Señora dela Merced Parish, samantalang magkatuwang naman sina Mataasnakahoy Vice Mayor and Vice Mayors League of the Philippines-Batangas Chapter president Jay Manalo Ilagan at G. Brigido ‘Dong’ Villena sa ribbon cutting ceremony.
Isa sa misyon ng MRV Immaculate Conception Diagnostic Clinic, ang makapaghatid ng abot-kaya ngunit de kalidad na serbisyong medikal sa mga Tayseño.
Lubos naman ang paghanga ni VM Ilagan sa dedikasyon ng pamilya Villena na maglunsad ng mga proyektong higit na pakikinabangan ng mga kababayan.
Samantala, ang pagpapasinaya at pagbabasbas ng naturang medical clinic ay isa lamang sa ilang programang inihanda ng pamilya kaanlisabay ng pagdiriwang ng ika-60 kaarawan ni Gng. Fina Villena Gelston.| – Joenald Medina Rayos