25 C
Batangas

Naitalang Delta variant ng Covid case sa Bauan, case closed na

Must read

- Advertisement -

By Joenald Medina Rayos

BAUAN, Batangas – NANANAWAGAN ngayon sa publiko ang pamahalaang lokal ditto na iwasang magpakalat ng iba’t ibang ispekulasyon at maling impormasyon na nagdudulot ng pangamba sa iba at iwasan din ang anumamg uri ng diskriminasyon sa isang OFW o kanyang pamilya matapos tukuyin na napabilang sa naitalang kaso ng Covid with Delta variant sa rehiyon.

- Advertisement -

Kaugnay nito, nilinaw ng pamahalaang lokal na ang tinukoy na nagkaroon ng Delta variant ng Sars-COV-2 sa kanilang bayan ay isang recovered case na at walang dapat ikabahala ang mga mamamayan sa posibilidad na makahawa pa ito.

Ang tinukoy umanong kaso ay isang OFW na dumating sa bansa noong pang buwan ng May at bakunado na bago pa man siya umuwi sa bansa.

Sumailalim umano siya sa protocol ng mga returning OFWs kung kaya’t sumailalim siya sa RT-PCR test at nag-quarantine sa isang hotel sa Maynila habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri. Nang mag positibo sa swab test, inilipat siya sa isang isolation facility sa lalawigan ng Batangas, at sa buong panahon na siya ay nakaisolate, siya ay asymptomatic.

Matapos ang itinalagang araw base sa protocol, siya ay idineklara na recovered at nabigyan ng clearance ng Bureau of Quarantine at pinahintulutan na siyang umuwi sa Bauan bilang isang recovered patient.

Gayunpaman, bilang paghihigpit ng local IATF, siya ay sumailalim muli sa 7-day quarantine pagkauwi sa Bayan ng Bauan at wala namang naging sintomas sinuman sa kanyang mga naging kapamilya matapos ang kanyang quarantine.

Muli siyang sumailalim sa RT-PCR bilang paghahanda sa kanyang muling pagpunta sa ibang bansa at ito ay negative.

Nito lamang Hulyo 10, 2021 nabatid ng local IATF sa pamamagitan ng Bauan Municipal Health Office na ayon sa Genome Sequencing, ang specimen ng nasabing OFW ay isang delta variant ngunit dahil napatunayan naman na sumunod ang LGU sa protocol at recovered na ang OFW bago umuwi sa bayan ng Bauan, ikinonsidera na case closed ang nasabing kaso.

Sinubukan ding kwestyunin ng local IATF sa DOH kung bakit sa bayan pa ng Bauan tinukoy ang nasabing kaso gayong hindi naman sa Bauan ang place of occurrence ng kaso at recovered na naman ang OFW bago dumating dito.

Ngunit ayon umano sa DOH, hindi ibibilang sa mga kaso ng bayan ng Bauan ang nasabing kaso ng delta variant ngunit bilang ginamit na reference ang naturang bayan sapagkat residente rito ang naturang OFW.

Sa kasalukuyan, nasa maayos na kalusugan ang nasabing OFW at wala ni isa sa kanyang mga close contact o pamilya ang nagkaroon ng sakit na COVID-19 o sintomas nito. May schedule na rin siya ng muling pag-alis papuntang ibang bansa.| – BNN

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest article