28.9 C
Batangas

Natanauan vs Natanauan: Sanggunian ang hahatol

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

SA patuloy na iringan ng magkapatid na sina Mayor Gerry D. Natanauan at Vice Mayor Charlie D. Natanauan, kapwa ng bayan ng Talisay, Batangas, ang tanong ng publiko, sino nga ba ang tunay na talo โ€“ sila mismo, o ang taumbayan?

Nitong Lunes ng tanghali, Marso 2, humarap sa Committee on Laws, Rules and Ordinances ng Sanggunaing Panlalawigan (SP) si Mayor Gerry, kasama ang kaniyang municipal administrator, at ilang kagawad ng Sangguniang Bayan (SB) nang ipatawag ni Board Member Jonas Patrick Gozos, tagapangulo ng komite ang mga kinatawan ng pamahalaang lokal ng Talisay upang magbigay linaw sa nakahaing Municipal Ordinance No. 47-2019 [ordinansa] na isinumite para sa kaukulang pagrebyu ng SP.

Alinsunod sa sa itinatadhana ng Seksyon 468, par. (1), item (i) ng Local Government Code, lahat ng mga ordinansang pinagtibay ng mga component cities and municipalities at executive orders ng mga alkalde sa naturang mga bayan at lungsod ay kailangang i-rebyu ng SP.

Batay sa tinanggap ng SP na sipi ng ordinansa na pinagtibay umano ng SB noong Oktubre 21, 2019, ay kinansela na umano ng SB ang Lease Agreement na pinasok at nilagdaan nina Mayor Gerry at ng Philippine Primemark Properties, Inc. (Primark) para sa konstruksyon at operasyon ng Talisay Public Market sa ilalim ng Public-Private Partnership approach alinsunod sa Mun. Ordinance No. 2019-30 ng naturang bayan.

Paglilinaw ni Atty. Dennis Macatangay, kinatawan ng Provincial Legal Office, sapagkat ang punumbayan ang binigyan ng konseho ng kapangyarihan o otoridad upang lumagda sa isang kontrata sa ngalan ng pamahalaang bayan at makipagkasundo sa isang partido o service provider, ang nasabi ring punumbayan ang may otoridad na bawiin o kanselahin ang naturang kasunduan o kontrata; maliban na lamang kung may pinagtibay na ordinansa o resolusyon ang konseho na binabawi na sa punumbayan ang gayung kapangyarihan o otoridad, gaya ng nabanggit.

Ayon pa kay Macatangay, ang maaaring gampanin ng konseho kung makitang may paglabag sa kasunduan o hindi ito naipagaganap, ay marapat na magpasa ng resolusyon ang konseho upang tawagin ang atensyon ng punumbayan hinggil sa bagay na ito, at kung sakaling hindi siya umaksyon ay marapat na ipagsakdal ng konseho ang alkalde dahil sa kaniyang pagpapabaya o hindi niya paggaganap sa tungkulin.

Sa nasabi ring pagdinig ng komite, sinabi ni Kagawad Jerome Natanauan, primera konsehal ng Talisay at anak ni Mayor Gerry, na batay sa umiiral na panuntunan ng kanilang konseho, bawat kagawad ay kailangang lumagda sa pinagtibay na ordinansa. Sa kinukwestyong ordinansa ng umano’y pagkansela sa kontrata ng Primemark, tanging ang dalawang kaalyado lamang ni Vice Mayor Charlie na sina Kagawad Henry D. De Leon (Author) at Kag. Francis M. Magsino (Co-Author) lamang ang nakalagda bilang mga nag-concur sa inilabas na Sertipikasyon ni Gng. Elena C. Landicho-Cabrera, Secretary to the Sangguniang Bayan, na attested ni Vice Mayor Charlie D. Natanauan.

Hindi aprubado o walang lagda ni Mayor Gerry ang naturang ordinansa, wala ring nakalakip na Veto Message o Katibayan ng Pag-Override ng konseho sa pag-veto o hindi pag-apruba ng punumbayan.

Sa panayam kay Mayor Gerry, sinabi niyang, walang maituturing na valid ordinance na napagtibay ang konseho, kaya hindi rin naman siya nagbigay ng Veto Message dito.

Sa pahina 14 at 15 ng kalakip na Katitikan ng Ika-13 Pagpupulong ng mga Kagawad ng Sangguniang Bayan, Oktubre 21, 20219, kung saan nakatala ang pagtalakay sa Business of the Day, wala ngang nakatala na may pinagtibay na ordinansa ang nasabing konseho, kundi isang resolusyon lamang ang umanoโ€™y ipinasa:

โ€œAyon kay Kgg. Henry C. De Leon, iminungkahi niya na I revoke na ang market lease agreement between LGU Talisay at Primark. Ayon pa kay Kgg. Henry C. De Leon, September 16, 2019 noong humarap ang Primark sa Sangguniang Bayan at sinabing sila ay nagka-problema sa contractor, humingi sila ng isang buwang extension at sinabing magbibigay ng bagong contractor at kakasuhan ang dating contractor. Idinugtong pa ni Kgg. Henry C. De Leon na dapat noong isang linggo pa sana magmumungkahi ng revocation, ngunit hinintay muna na matapos ang palugit na ibinigay na ngayon nga ay lapse (sic)na, kaya sa tingin niya ay binabalewala tayo ng Primark. Kaugnay nito, imunungkahi ni Kgg. Henry C. De Leon ang isang resolution, โ€œA resolution revoking the Market Lease Agreement between the Local Government of Talisay and Primemark Properties, Inc.โ€. Ang iminungkahi ni Kgg. Henry C. De Leon ay pinangalwahan ni Kgg. Francis M. Magsino. At pagkatapos mapangalwahan ni Kgg. Francis Magsino ay pinukpok na ng Tagapamuno ng Kapulungan ang gavel.โ€

Sinabi naman ni Kag. Jerome sa pagdinig ng SP at ayon na rin sa nakatala sa katitikan, na hindi sila pabor sa pagpaparevoke sa agreement, at maging sila ni Kag. Edgardo A. Caraan ay nagtaas ng kamay ngunit hindi sila pinansin ni Vice Mayor Charlie at sa halip ay si Kag. Magsino lamang ang pinansin na sinundan agad ng pagpukpok ng gavel, o hindi na pinansin o inalam man lamang sa kapulungan kung may tumututol o may iba pang reaksyon hinggil dito.

Ayon kay Kag. Florencio Pesigan, for the record ay napukpok na ng Presiding Officer ang gavel at itoโ€™y nangangahulugan na batas na ayon umano sa IRP ng konseho.

Hindi naman dumalo sa pagdinig ng SP si Vice Mayor Charlie at iba pang kagawad. Nang tanungin ni Bokal Gozos si Pesigan kung nasaan ang bise alkalde, anang kagawad ay nasa daan na at parating na sa pagdinig. Nang mag-adjourn ang pagdinig, nasa loob na pala ng lounge area ng konseho na kadikit ng silid lamang si Vice Mayor Charlie.

KASAMA ni Bokal Jonas Patrick Gozos (gitna) sa Committee on Laws, Rules and Ordinance sina Board Member Jhoana C. Corona (kaliwa) at Board Member Carlo Junjun Rosales (kanan) bilang mga kasapi.|JOENALD MEDINA RAYOS

Pahayag ni Bokal Gozos, pag-aaralan ng kaniyang komite kung aaprubahan ang kontrobersyal na โ€˜ordinansaโ€™ ng Talisay, at dedesisyunan nila ito sa paggabay ng legal opinion ng Provincial Legal Office alinsunod sa probisyon ng Local Government Code.

Pagka-antala ng proyekto

Ipinaliwanag naman ni Mayor Gerry sa panayam ng media na kaya nagkaroon ng pagka-antala sa konstruksyon ng bagong palengke ng Talisay ay sapagkat hindi pa tuluyang naililipat ang pasilidad ng Talisay Municipal Police Office at kakailanganin pang i-demolish muna ang lumang gusali nito para maitayo ang palengke. Nasundan pa umano ito ng pag-atras ng isang contractor ng Primark kaya kinailangan pa nilang maghanap ng bagong kontratista na gagawa ng proyekto.

Noong Abril 3, 2017, pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Talisay ang Mun. Ordinance No. 2017-30 na nagsasaad na magiging bukas ang pamahalaang bayan ng Talisay sa pakikipagtuwang sa pribadong sektor para sa pagpapaunlad ng munisipalidad sa ilalim ng PPP Approach.

Kasunod nito, pinagtibay naman ang Mun. Ordinance No. 2017-35 na nagbigay otoridad kay Mayor Gerry na makipagkontrata sa Primark sa ilalim ng PPP para sa konstruksyon at operasyon ng bagong palengke ng Talisay.

Hindi nga kaagad naipa-demolish ang lumang kwerpo ng pulisya kaya lalong naantala ang clearing operation sa lugar at konstruksyon ng palengke at noong Setyembre 16, 2019 ay dumulog sa konseho ang Primark upang humingi ng palugit o ekstensyon dahil inabandona ng kontratista ang proyekto ng Primark.

โ€œAt matapos ma-demolish po ang dating istasyon ng pulis at ngayon naman nga ay ginagawa na ang palengke. Ito namang kabilang panig ay wala namang ibang ginawa simula ng maupo kundi kontrahin ang aking mga programa at proyekto para sa bayan. Wala namang mayor na naghangad ng hindi maganda para sa kaniyang bayan,โ€ pahayag ni Mayor Gerry.

Siblings’ feud?

Matapos ang unang dalawang termino o kabuuang anim (6) na taong panunungkulan bilang alkalde, tumakbo muling punumbayan si Mayor Gerry noong Mayo 2019 na walang kalaban, ngunit tumakbo rin naman sa pagka-bise alkalde ang kaniyang kapatid na ngayon ay si Vice Mayor Charlie.

Makalipas lamang ang isang buwan at kalahati sa pwesto, kinasuhan ni Vice Mayor Charlie at ilang kaalyado nito ang kaniyang kapatid na si Mayor Gerry sa Ombudsman ukol sa umanoโ€™y mga iregularidad sa pamamalakad sa munisipyo at paggastos ng pondo ng bayan. Hanggang ngayon ay wala pang pinal na desisyon sa kaso.

Naging laman naman ng mga balita si Vice Mayor Charlie nitong Enero matapos isa publiko nito ang kaniyang opinyon na mali umano ang pagtaya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa tunay na kalalagayan ng Bulkang Taal.| – BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

ILANG araw na lang ang nalalabi ay matatanggap na ng mga kwalipikadong empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang kanilang bonus! Inihayag ni Governor Hermilando I. Mandanas na pinoproseso na ang paghahanda ng pag-release ng naturang bonus sa ilalim ng...
Land subsidence, or the gradual sinking of the ground, threatens not only Metro Manila but also other cities. Excessive groundwater extraction, rapid urbanization, tectonic motion, and the natural compaction of sediments contribute to land subsidence worldwide. This issue is worsened...
RESEARCHERS from the University of the Philippines โ€“ Diliman College of Science (UPD-CS) are recipients of the Universityโ€™s first-ever recognition for its Research, Extension, and Professional Staff (REPS). The UP Diliman REPS Chair and REPS Awards aims to recognize the...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -