28.9 C
Batangas

Natatanging Lupong Tagapamayapa sa Batangas, kinilala ng DILG

Must read

- Advertisement -

TATLONG barangay ang kinilala at pinarangalan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) – Batangas Province sa isinagawang Lupong Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA) na ginanap sa Provincial Auditorium, Capitol Compound, Batangas City, Hunyo 3.

Ang nasabing pagbibigay ng parangal ay pinangunahan ni DILG Batangas Officer-in-Charge – Provincial Director Abigail N. Andres, kasama sina Gov. Dodo Mandanas, Provincial President of the Association of Barangay Councils at Board Member Wilfredo Maliksi, at iba pang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Ang Barangay Pinagbayanan ng bayan ng Taysan, sa pamumuno ni Punongbarangay Teodora V. Purino, bilang Regional Winner, ang magiging kinatawan ng CALABARZON sa National LTIA 2019.

Malaki ring karangalan ang natamo ng Lupong Tagapamayapa ng Barangay Darasa, Lungsod ng Tanauan matapos mahirang bilang Provincial Winner at Regional Finalist sa kategoryang Component City. Ang nasabing barangay na pinamumunuan ni Punongbarangay Luisito C. Flores, ay nagkamit ng ₱15,000.00 cash incentive.

Nanguna naman ang Barangay Pinagbayanan, Taysan nang kilalaning Provincial Winner at Regional Winner sa 1st to 3rd Class Municipality Category at nag-uwi ng ₱15,000.00 cash incentive, samantalang ang Barangay Puting Bato-East, Calaca, sa pangunguna ni Punongbarangay Melvin D. Bathan, ay nahirang bilang Provincial Finalist at nakakuha ng ₱10,000 insentibo.

Batay sa Katarungang Pambarangay: Isang Handbook, ang Lupong Tagapamayapa o Lupon ay isang grupong itinatag sa bawat barangay, na binubuo ng Punong Barangay bilang tagapangulo at mga kasaping pipiliin na hindi bababa sa sampu at hindi hihigit sa dalawampu.

Sa ibinahaging mensahe ni OIC – PD Andres, ipinaliwanag niya na ang LTIA ay naitatag alinsunod sa Section 406 (b) ng Local Government Code of 1991 na nagbigay ng mandato sa DILG na maggawad ng suportang pangkabuhayan at iba pang insentibo sa mga Lupong Tagapamayapa.

Ang nasabing programa rin ay naglalayon na kilalanin ang mga Lupon na nagpamalas ng galing sa pagsusulong ng Barangay Justice System o ang matiwasay at patas na paraan ng Lupong Tagapamayapa na lutasin ang maliliit na gusot sa hanay ng mga pamilya o residente upang hindi na umabot pa sa korte ang usapin.

Bahagi rin ng programa ang paggawad ng Sertipiko ng Pagpapahalaga sa mga miyembro at bumubuo ng Provincial Awards Committee na naging dahilan sa matagumpay at maayos na assessment and validation para sa LTIA ngayong taon.

Sa naging talumpati ni Gov. Mandanas, binigyang-diin niya na mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng itinuturing na pinakamaliit na yunit ng pamahalaang lokal, ang mga barangay. Ayon pa sa Gobernador, walang pag-unlad kung walang kapayapaan, at upang makamit ito kinakailangan umano na magkaroon ng katarungan at katotohanan.

Samantala, tinapatan ng liga ng mga barangay ang premyong natanggap ng Brgy. Pinagbayanan at Brgy. Darasa, ayon pa kay Maliksi.|May ulat ni Mark Jonathan M. Macaraig

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BDO Unibank, Inc. (BDO) has partnered with the Department of Trade and Industry (DTI) to strengthen the flow of foreign investments into the Philippines. The partnership will focus on organizing investment seminars, business matching activities, and industry promotion missions designed to...
MANILA, Philippines -- POPE Francis has appointed Kalookan Bishop and president of the Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Pablo David as among the 21 new cardinals of the Roman Catholic Church, the Vatican News reported Sunday, October...
IN a move highly anticipated by her supporters, former Batangas governor Vilma Santos-Recto, put an end to speculations on what position she’s going to run again with her filing of Certificate of Candidacy (COC) in a bid to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -