IPINAGDIRIWANG ng Batangas City ang National Children’s Month sa diwa ng mga programa at proyekto nito sa mga bata na ipinatutupad ng iba’t ibang departamento ng pamahalaang lungsod at sa pangangasiwa ng City Council for the Welfare of Children (CCWC).
Ang National Children’s Month ay ginagawa bilang commemorationm ng adoption ng Pilipinas ng United Conventions on the Rights of the Child na isang human rights treaty na nagsasaad ng civil, political, economic, social, health at cultural rights ng mga bata.
Isa sa mga major projects ng lungsod ang Child Development Program na ipinatutupad ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO). Sa kasalukuyan ay mayroong 107 Child Development Centers sa lungsod kung saan binibigyan ng early education, health care at social services ang mga bata bago sila pumasok ng formal education sa elementary.
Ang City Health Office ay may mga health services kagaya ng immunization, nutrition program, dental health care, health education at iba pa. May mga programa din sa mga bata ang Department of Education. Ang Batangas City Police at City Prosecutor’s Office ang tumututok sa mga kaso ng child labor, child trafficking at iba pang paglabag sa karapatan ng mga bata.
Ang mga nasabing departamento ay kabilang sa mga miyembro ng CCWC kasama ang mga kinatawan ng pribadong sektor na mayroon ding ipinagkakaloob na serbisyo para sa kapakanan ng mga bata.
Bilang bahagi ng nasabing pagdiriwang na may temang “Tamang Pag-aaruga para sa mga Bata”, muling nagdaos ng Little Mr. And Ms. United Nations 2018 ang CSWDO, November 28, sa Batangas City Convention Center.
Nagpagandahan ang mga bata sa mga costumes ng iba’t ibang bansa kung saan nanalo bilang Little Mr. and Ms. United Nations 2018 sina Keign Valynne Amber Padua at Jacobe De Castro ng Calicanto 1 Child Development Center dahilan sa ganda ng kanilang costumes na kasuotan ng Thailand at sa galing ng kanilang pagdadala ng kanilang costumes.
Nagpaabot ng pasasalamat si City Social Welfare and Development Officer Mila Espanola sa mga magulang sa suportang ipinagkaloob ng mga ito sa naturang kompetisyon.
Binigyang-diin niya na makakaasa ang mga magulang na higit pa nilang pag-iibayuhin ang Early Childhood Care Development (ECCD) program sa lungsod upang mas mahubog ang physical, emotional, social at cognitive development ng mga kabataan.
Nauna rito, nagdaos din ang CSWDO ng Children’s Congress sa barangay Ilijan at San Isidro at sa isang mall sa lungsod noong November 14 at 19.|Ronna Endaya Contreras/Angie Banuelos