31.7 C
Batangas

“No physical appearance, no budget deliberation policy”, ipatutupad ng Sangguniang Panlalawigan – Ambida

Must read

- Advertisement -

“KINAKAILANGANG humarap ng personal sa mga isasagawang budget hearing ang mga pinuno ng mga kagawaran ng Pamahalaang Panlalawigan upang makatiyak na mapagtitibay ng Sangguniang Panlalawigan ang kani-kanilang budget para sa susunod na taon.”

Ito ang pahayag ni Senior Board Member Maria Claudette U. Ambida ng Ikalimang Distrito ng Batangas at tagapangulo ng Committee on Appropriations sa nakalipas na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan noong Miyerkukes, Nobyembre 2.

May mga pagkakataon aniya sa nakalipas na mga taon na ang pinadadalo lamang ng mga pinuno ng kagawaran ay mga kinatawan lamang sa kani-kanilang tanggapan ngunit kapag deliberasyon na ng budget o may mga rekisitos na kailangang malinawan ay hindi naman maipaliwanag nang maayos ng mga pinadadalong kinatawan.

Dahil dito, nagbabala si Ambida na hindi mapagtitibay ng Sanggunian Panlalawigan ang budget ng isang departamento kung hindi dadalo ang hepe nito, sapagkat wala ng magiging deliberasyon ng budget kapag inihain na ito ng lupon sa plenaryo ng sesyon para pagtibayin.

Tanging ang Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) lamang ang departamentong papayagang ang Division Chiefs ng Tourism and Cultural Divisions nito ang dumalo sa budget hearing sapagkat mismong si Gobernador Hermilando I. Mandanas ang concurrent department head ng PTCAO.

Isasagawa ang mga naturang pagdinig sa Nobyembre 8, 9 at 10, taong kasalukuyan.| – BNN/Joenald Medina Rayos

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -