25.8 C
Batangas

NP Calaca picks best bets

Must read

- Advertisement -

CITY OF CALACA, Batangas – “NARINIG na natin ang Boses ng Partido! Nagpasya na ang partido sa apat na dapat nating suportahan sa mga darating na araw. Sila ang aking magiging katuwang sa Tamang Gawa, Tamang Pamamahala, para sa Saganang Calaca!” 

Ito ang pahayag ni City Mayor Sofronio Nas Ona, Jr. matapos pumili ang mga kasapi ng Nacionalista Party (NP) – Calaca Chapter ng mga lider na siyang bubuo ng ‘slate’ para sa mga local na posisyon sa napipintong eleksyon sa Mayo 2025 sa isang matagumpay na party chapter convention na ginanap sa Dacanlao Elementary School, nitong Sabado, Setyembre 9. 

“Maraming salamat sa lahat na kasapi na bumoto at sa inyong aktibong partisipasyon. Di man nagwagi ang ilan ay patuloy pa rin nating itaguyod ang pagsisilbi sa ating partido at bayan,” dagdag pa ng alkalde.

Sa panayam kay Mayor Ona, sinabi pa niya na mula pa noong taong 2004 ay ito na ang palagiang proseso na ginagawa ng Partido sa Lungsod ng Calaca ng pagpili ng mga magigiging opisyal na kandidato sa susunod na eleksyon.

“Gusto kong ang mga tao, ang mga liders ang siyang pumili ng kanilang gustong maging city councilors. At basis nito, for every certain number of votes ay mayroong delegates na tinatawaga; at bukod sa number of votes, narito rin at fully represented ang lahat ng sektor kaya lahat sila ay may partisipasyon,” dagdag pa ng pununglungsod.

Ang pagpili umano ng mga lider ay batay sa kanilang kwalipikasyon, track record sa pagli- lingkod at kakayahang maglingkod ng tama para sa mga Calacazens.

Bagaman at wala ni isang iniendorso ang alkalde, lahat ng mga tumakbo sa kumbensyon ay nagpahayag ng kanilang pagkilala sa liderato ni Mayor Ona at naniniwala sa tibay ng liderato ng Partido.

Democratic process

“This is a democratic practice na nasa ating Konstitusyon at nasa mandato rin ng Commis-sion on Election na ito yung panahon para magsagawa ng ganitong kumbensyon ang mga partido bilang paghahanda sa nalalapit na eleksyon,” pam-bungad ni Batangas First District Congressman Eric Buhain na siya ring District Chairman ng NP sa Kanlurang Batangas.

Ayon pa sa kongresista, ito ay nagpapakita ng transpa-rency, leadership and unity sa loob ng Partido na siya ring salamin ng uri ng serbisyo-publiko ng Nacionalista Party sa Unang Distrito, partikular sa Lungsod ng Calaca. Aniya pa, hindi naman matatawaran ang ipinakikitang paglilingkod ng mga kasapi ng Partido hindi lamang sa lungsod ng Calaca, kundi gayun din sa mga kalapit bayan nito.

Bago ang pagsisimula ng pagboto, lahat ng mga kumandidato ay lumagda muna sa isang Covenant kung saan ipinahayag nila ang kanilang kaisahan sa layunin ng Partido, na ang bawat isa ay susuporta sa sinumang mananalo sa eleksyon ng party delegates, at ang mga hindi naman papalarin ay mangangako na hindi na rin tatakbo sa alin mang posisyon, at sa halip ay susuporta na lamang sa mga mapipili.

Samantala, dumalo rin sa naturang kumbensyon sina First District Board Members Armin Bausas at Roman Junjun Rosales na nasa ikatlong termino na ngayon, kasama ang magiging opisyal na kandidatong hahalili sa kaniya na si Jake Rosales ng bayan ng Lemery.

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi rin ni Congressman Buhain na may kumpletong slate ang Nacionalista Party sa buong Unang Distrito kaya tiyak na may mga opisyal na kakandidato sa pagka-alkalde sa lahat ng bayan sa Distrito, maliban sa bayan ng Calatagan kung saan ay may kasunduan sina Congressman Buhain at Calatagan mayor Oliver Palacio ng Nacionalist People’s Coalition (NPC) na magsusuportahan na lamang sila sa bawat partido sa naturang bayan. 

Ang Unang Distrito ng Batangas ay binubuo ng Lungsod ng Calaca at ng mga bayan ng Balayan, Calatagan, Lemery, Lian Nasugbu, Taal at Tuy.| – Joenald Medina Rayos

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

WHEN Christ explained the parable of the sower and the seed (cfr. Mt 13, 18-23), the obvious conclusion that we can make is that we should be the good ground to receive the seed of God’s word so that...
A silent revolution is underway in the busy field of education, where the curriculum always demands, and the clock is continuously running. This change is about something far more fundamental than flashy technology or popular teaching approaches—our attitudes. Psychologist...
OUT OF the seven plastic categories, the first two, namely Polyethylene Terephthalate (PET) and High-Density Polyethylene (HDPE) are the easiest to recycle, and therefore these are the most in demand in the recyclable market. Never mind the five others, because...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -