24.7 C
Batangas

Oplan Baklas sa Probinsya ng Batangas, pinangunahan ng DENR CENRO Calaca

Must read

- Advertisement -

Libo-libong advertisement paraphernalia na illegal na naka-post sa mga pampublikong lugar ang nakolekta sa isinagawang Oplan Baklas sa Probinsya ng Batangas nitong nakalipas na linggo.

Ang oplan baklas ay isang aktibidad na nilahukan ng Department of Environment and Natural Resources o DENR kung saan inaalis ang ang mga materyales na illegal na nakakabit sa mga punong kahoy kagaya ng mga Campaign Materials.

Ito ay ayon sa Seksyon 3 ng Republic Act No. 3571 at Presidential Decree No. 953 kung saan ang pagpapako sa punongkahoy ng anumang advertisement paraphernalia, kasama ang election campaign materials, ay mahigpit na ipinagbabawal.

Ang aktibidad na ito ay magkakasabay na isinagawa sa 10 munisipyo ng Batangas: Agoncillo, Balayan, Calaca, Calatagan, Lemery, Lian Nasugbu, San Nicolas, Sta Teresita sa pangunguna ng Commission on Elections (COMELEC) at sa pakikipagtulungan ng DENR CENRO Calaca, Department of Public Works and Highways (DPWH), Philippine National Police (PNP) at lokal na pamahalaan.

Muli, pinapaalalahanan ang lahat na igalang ang mga puno sapagkat sila ay may buhay, parte ng ating kalikasan at likas yaman na dapat pahalagahan bilang life support system na mahalaga sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Ang pagpapaskil ng anumang paraphernalia sa ating mga puno ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas.| – BNN

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Think about your family's future. What do you see? Perhaps it's your child graduating with flying colors from a top university, your dream business finally...
A Catholic bishop has lamented the continuing support for former President Rodrigo Duterte’s violent anti-drug campaign, which has led to a spike in the...
Social media has been awash with calls for silence. "Do not speak if you are not fully informed," they say. "Research first before you...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -