In photo: Iginawad ng pamahalaang lungsod, sa pangunguna ni Acting Mayor Benedicto Corona (gitna), ang isang resolusyon ng pagkilala na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod sa Bernardo Lirio Memorial Central School bilang Outstanding Brigada Eskwela Implementer (Mega School Category). Kasama ng Punongguro, Luzvimin L. Villa (ikalima mula sa kaliwa) ang ilang mga guro, sa pagtanggap ng pagkilala. Kasama rin sa larawan sina (L-R) SK Federation President John Kennedy Macalindong, Kon. Angel Atienza, Acting Vice Mayor Eric Manglo, Kon. Joseph Castillo, Kon. Jun Goguanco at Kon. Rizaldrin Magpantay.| Roderick Lanting
By Louise Ann C. Villajuan
KINILALA ng pamahlaang lunsod ng Tanauan ang pamunuan ng Bernardo Lirio Memorial Central School, na kinatawan ni Punongguro Luzvimin L. Villa sa pagkakahirang nito bilang Outstanding Brigada Eskwela Implementer (Mega School Category).
Sa “flag raising ceremony” noong Nobyembre 23, tinanggap ni Villa, kasama ng mga iba pang guro ng nasabing paaralan ang Plake ng Pagkilala mula kay Acting Mayor Benedicto Corona (gitna), at ang sipi ng isang resolusyon na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod.
Tinanggap ng pamunuan ng paaralang ito ang nasabing parangal mula sa DepEd Region IV-A (CaLaBaRZon) sa nakalipas na 2018 Gawad Patnugot na ginanap noong Oktubre 2018 sa Sta. Rosa Multi-Purpose Complex, Sta. Rosa, Laguna.|