By JOENALD MEDINA RAYOS
BATANGAS City โ KABUUANG kalahating-milyong pisong halaga ng ayuda ang inihatid ng Villamor Air Base Golf Club sa Lalawigan ng Batangas, Enero 24, para sa relief and rehabilitation drive ng probinsya kaugnay ng pagputok ng bulkang Taal.
Personal na tinanggap ni Gobernador Hermilando I. Mandanas mula kina MGen Ferdinand M. Cartujano, PAF, komander ng Air Education Training and Doctrine Command (AETDC), at retired MGen Guillermo Molina, PAF, general manager ng Villamor Air Base Golf Club AFP ang P250,000 tseke.
Kasabay rin nito ang turn-over mula kina A2C Ejay Falcon (reserved) at LtCol Sir Byron De Ocampo, group commander ng Philippine Air Force Civil Military Operations Group, ng P250,000 halaga ng relief goods. Lubos naman ang pasasalamat ni Governor Mandanas sa aniyaโy kagitingan at pagdamay ng pamunuan ng Philippine Air Force.| – BALIKAS News Network