BATANGAS City โ TUMATAGINTING na P13.4-bilyon ang kabuuang halaga ng mga programa at proyektong nakapaloob sa ibaโt ibang programa o serbisyo na siyang bumubuo sa 2019 Annual Investment Plan ang karakaโy pinagtibay ng Sangguniang Panlungsod ng Batangas sa ipinasang resolusyon nitong Martes, Setyembre 25.
Batay sa ulat ng Committee of the Whole kung saan ang mga lead committees ay ang Committe on Laws, Rules and Regulations at Committee on Engineering and Public Works, lahat ng programang pinondohan ay nakapaloob sa Batangas City Annual Investment Program (AIP) for FY 2019. Kabilang na rito ang lahat ng mga programa. Proyekto, mga serbisyo, at pagawaing-bayan na ang mga magiging laang-gugulin ay kukunin sa General Fund; gayundin ang mandatory 20% development fund, ang calamity fund, gender and development (GAD) fund, special education fund (SEF) at iba pang pinagkukunang-pondo para sa mga gugulin.
Ayon sa resolusyon, nakasaad sa AIP ang mga priority programs, projects at activities na nakatuon sa magiging kinabukasan ng lungsod lalo na larangan ng infrastructure, environment, edukasyon, disaster preparedness at iba pa.
Sinabi ni Konsehal Serge Atienza, acting chairman ng Committe on Laws, mahalagang malaman ng bawat isa ang mga plano at pagkakagastusan ng city government sa hinaharap. Ito aniya ay upang maging transparent ang administrasyon at magsilbing guide ang naturang AIP sa direksyong nais tahakin ng lungsod.
โMaliwanag naman po sa ating ginawang committee hearing kahapon, ang nilalaman ng ating AIP. Naka-base naman po ito sa pangangailangan ng lungsod at ng mga mamamayan,โ dagdag ni Atienza.
Sa nabanggit na committee hearing, sinabi ni City Planning and Development Coordinator Januario Godoy na ang Annual Investment Plan ay hinati sa tatlong bahagi. Una, ang General Public Services na binubuo ng Executive Services, Legislative Services, Planning and Development, Civil Registry, General Services, Budgeting, Accounting, Treasury, Real Property Assessment, Legal Services, Prosecution Services, Project and Programs, Special Purpose Lump Sum Appropriations, Gender and Development, Local Disaster Risk Reduction Management Fund, 20% Development Fund at Special Education Fund.
Ang ikalawang sektor ng AIP ay ang Social Services na binubuo ng Educational Services, Health Services at Social Welfare Services; samantalang ang ikatlong bahagi ay ang Economic Services na binubuo ng Veterinary and Agricultural Services, Environment Services, Engineering Services, Market Administration, Infrastructure Development Program at other projects.
โKung maaalala po ninyo, ang AIP ay napag-usapan na sa Full Council Meeting ng City Development Council last September 5. Dinaluhan po ito ng mga pangulo ng 105 barangays at 50 accredited NGOโs. At ayon po sa Local Government Code, ang city budget ay dapat maaprubahan on or before October 16, 2019. Kaya po ngayon pa lamang ay ipiniprisenta na namin ang AIP hindi lamang sa konseho kundi maging sa publiko,โ sabi ni Godoy
Ilan sa pinag-usapan sa hearing ay tungkol sa ecological programs gaya ng animal waste disposal and management sa barangay level na sinagot naman ng CPDO sa pamamagitan ng implementasyon ng Ecological Protection Program sa buong 105 barangays.
Tinalakay rin ang tungkol sa konstruksyon ng bagong Civil Registrarโs Office, bagong gusali ng Sangguniang Panlungsod, covered courts at tulay sa Barangay Libjo, karagdagang CCTV cameras sa lungsod, at ang SK Federation budget para sa kanilang mga aktibidad at programa.|May balita ni Jerson J. Sanchez