31.1 C
Batangas

P4-M donasyon at internet service, personal na hinatid ni Dennis Uy sa Batangas

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

BATANGAS City – PERSONAL na iniabot ng negosyanteng si G. Dennis Uy, may-ari ng Chelsea and Udenna Corporation, kay Governor Hermilando I. Mandanas ang P4-milyong donasyon bilang relief and rehabilitation assistance sa Lalawigan ng Batangas kaugnay ng pagputok ng Bulkang Taal.

Sa kaniyang pagbisita sa Batangas Provincial Sports Complex kung saan nakasentro ang relief operation ng probinsya, Biyernes ng hapon, inihayag ni Uy kay Mandanas ang kanyang seryosong pakikiramay sa matinding kalamidad na puminsala sa kabahayan ng libu-libong residente sa palibot ng Bulkang Taal, at tiniyak ang tulong niyang personal at ng kaniyang mga kumpanya.

Bilang dagdag na ayuda rin, inilunsad ng kaniyang kumpanyang Converge ICT Solutions, Inc. ang Bangon Batangas campaign na maglalatag ang kaniyang fiber optic internet service sa mga command posts ng provincial, city and municipal disaster and risk reduction management offices.

Sinabi naman ni Pampanga governor Dennis Delta Pineda na kung maaari ay hanggang sa mga evacuation centers ay malagyan ng mabilis at reliable na internet service upang mapabilis ang komunikasyon at paghahatid ng mga ayuda sa mga evacuees. Personal na pinamumunuan ni Governor Pineda ang buong Provincial Disaster and Risk Reduction Management (PDDRM) Team ng Lalawigan ng Pampanga na binubuo ng 234 katao na dumating sa Batangas noong Martes ng umaga dala ang may 56 heavy equipments and service vehicles at mga relief goods.| – BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -