28.6 C
Batangas

P6.84-milyon, naglaho sa fishkill sa Taal Lake

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

TALISAY, Batangas – MALAKING dagok na naman sa industriya ng pangisdaan sa Lalawigan ng Batangas, partikular sa mga bayang nakapalibot sa Lawa ng Taal ang magkakasunod na insidente ng fishkill o malawakang pagkamatay ng mga isda sa lawa.

Sa isinagawang pulong-balitaan nitong Biyernes, iniulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na pumalo na sa mahigit 99.8 metriko toneladang isda na nagkakahalaga ng mahigit P6.845 milyon ang apektado sa lawa sa magkaKAsunod na fishkill na naitala noong Enero 29-30.

Nabatid pa na sa kabuuang bilang ng namatay na isda, 83 metriko tonelada ay mga tilapia na nasa average P73/kada kilo, na may tinatayang kabuuang halagang P4.6 milyon; samantalang 16.8 metriko tonelada naman ang bangus na nasa P132 kada kilo kapag hinango na at may kabuuang halagang P2.2 milyon.

Ayon kay BFAR-Batangas Inland Fisheries Technology Outreach Station head Nenita Kawit, naitala sa 28 units ng fish cages ang apektado at ang mga ito ay pawang sa Barangay Sampalok, sakop ng bayang ito.

KAPANSIN-PANSIN ang mga nakalutang na patay na isda na resulta ng sulfur upwelling sa Lawa ng Taal.[Larawang kuha ng UNTV]
Pangunahing dahilan umano ng malawakang fishkill na ito ay ang penomenang sulfur upwelling o ang pagbagsak ng lebel ng oxygen at pagtaas naman ng lebel ng hydrogen sulfide kaya nag-aamoy asupre at nawawalan ng hangin para makahinga ang mga isda. Dahil dito, nangangamatay ang mga isda kaya bumabagsak din sila sa ilalim ng cage at saka pa ito magsisilutang.

Pahayag pa ni Kawit, kadalasang nangyayari ang sulful upwelling kapag taglamig gaya ng mga buwan ng Nobyembre hanggang Pebrero na pinatitindi pa ng hanging amihan. Taun-taon din aniya ay may naitatalang fishkil sa lawa ng taal at ang pinakamatinding insidente sa dekadang ito ay naganap noong taong 2014.

Mapapansin aniya ang penomenang ito kapag ang tubig sa lawa ay naging kulay bluish-green at nagsisimula nang mag-amoy asupre. Naitala din aniya ang supfur upwelling sa katubigang bahagi ng bayan ng Balete ngunit wala namang naitalang fish kill doon.

Pahayag naman ni Dr. Macrina Zafaralla, environmental scientist and phycologist mula sa University of the Philippines in Los Baños (UPLB), malaking salik din sa mabilis na pagtaas ng sulfur upwelling ay ang sobrang pag-aalaga ng isda na halos sagadan na o makalampas pa sa carrying capacity ng mga fish cages.

Dahil dito, nanawagan sa publiko si DENR-CALABARZON OIC-regional director Ma. Paz Luna at hinihimok ang taumbayan na makipagkaisa sa mga ahensya ng pamahalaan na isumbong ang mga paglabag sa mga batas sa pangisdaan at batas sa pangangalaga ng kapaligiran, kasabay ang pakikiusap sa mga fish cage operators na tumalima naman sa mga hinihingi ng batas.

Aniya pa, hindi magdadalawang-isip ang kanilang ahensya na samsamin ang mga bangkang pangisda at ipataw ang karampatang multa at iba pang kaparusahan sa mga patuloy na nagsasawalambahala at lumalabag sa batas.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

BANGA, Aklan—The Iloilo State University of Fisheries Science and Technology (ISUFST) excelled in the 13th PEARS PASUC VI EMC Annual Regional Symposium from November 5-7, 2024, held at Aklan State University, by clinching awards in the paper and poster...
COTABATO - A priest of the southern Philippine diocese of Kidapawan is among the Catholic Church’s “missionaries of mercy.” Fr Charles Allan Nemenzo has recently received a mandate from Pope Francis for the ministry he established in 2016. The ministry was...
Platforms like Upwork and OnlineJobsPH have revolutionized access to freelance work in the Philippines. Clients can easily connect with a diverse pool of talent across various fields, including writing, graphic design, programming, and digital marketing. As the demand for...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -