25 C
Batangas

P615.7-m Supplemental Budget ng Tanauan City, di pinalusot ng SP

Must read

NANINDIGAN ang mayoriya ng Sangguniang Panlungsod ng Tanauan City na harangin ang panukalang Php 615.7-milyong Supplemental Budget na anila’y hindi tamang paggastos ng pondo ng bayan.

Sa regular na sesyon ng Sanggunian nitong Martes, Agosto 27, at sa botong 7 NO at 5 YES, nabigo ang administrasyon ni Mayor Nelson Collantes na mailusot ang naturang panukalang budget na nakalaan sana sa iba’t ibang programa ng pamahalaang lungsod.

Ayon sa mga hindi pumabor sa panukala, self-serving at halos mga ‘band-aid solution’ lamang ang mga programang ipinanukalang pondohan sa halip na ilaan ang pondo sa mga higit na kailangan ng mga mamamayan na mapakikinabangan ng lungsod sa mas mahabang panahon.

Ayon kay Mayor Collantes, ‘lahat ng problema ay may solusyon, kung sa kanila’y panandalian yun, kanilang concern yun, sila ang magpaliwanag sa kanilang mga kabarangay na kanilang pinahindian; lahat ng inilagay ko doon ay yun ang hiningi ng mga barangay captains… wala ako dung inilagay na panandalian lamang…”

Dagdag pa ng alkalde, higit na mas alam ng mga punumbarangay ang concerns ng mga barangay, higit pa sa mayor, vice mayor at mga konsehal ng lungsod.

Ayon naman sa mayoriya ng mga kagawad ng lungsod, hindi masama na magpaganda ng mga lansangan at magpalagay ng mga ilaw sa kalye, ngunit marami ding mas mahahalagang proyento na dapat siyang unahin na mapakikinabangan ng mas maraming Tanauenyo sa mahabang panahon, gaya ng mga pagtatayo ng mga silid-paaralan, mga malalaking health centers sa mga na makatutugon sa mga panangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan, lalo na ng mga taga malalayong barangay.

Kabilang sa mga hindi pumabor sina Kagawad Samuel James T. Bengzon, Kag. Eugene B. Yson, Kag. Dr. Marissa B. Tabing, Kag. Herman R. De Sagun, Kag. BGen. Benedicto C. Corona (ret), Kag. Dr. Kristel Guelos, at Kag. Marcelo Eric O. Manglo.

Ang mga pumabor naman ay sina Kag. Glen WIn Gonzales, Kag. Czylene T. Marquezes, Kag. Angel C. Burgos, ABC President Precious Germaine M. Agojo at SK Federation President Ephraigme F. Bilog.

Pinangunahan ni Vice Mayor Atty. Herminigildo G. Trinidad Jr. ang naturang sesyon.| – BNN Team

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -