26.7 C
Batangas

Pag-ahon at pagsulong ng Padre Garcia, iniulat sa SOMA

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

PADRE GARCIA, Batangas – AGAD na bumuhos ang mga pagbati at papuri ng mga residente ng bayang ito at ang iba’t ibang asosasyon ng mga Lahing Garciano sa iba’t ibang bansa matapos makapag-ulat si Mayor Michael Angelo Rivera sa tunay na kalalagayan ng pamahalaang bayan kamakailan.

Sa kaniyang ikalawang beses na pag-uulat o State of the Municipality Address (SOMA), inisa-isa ni Mayor Rivera ang mga prayoridad na programa ng kaniyang administrasyon para sa lalong ikasusulong ng bayan ng Padre Garcia, partikular sa larangan ng mga programang pang-imprastraktura, pananalapi, kabuhayan, kalusugan, edukasyon at iba pa.

Sa usapin ng pamemera ng munisipyo, iniulat ni Mayor Rivera na noong maupo siya bilang punumbayan ay nasa P33-milyon ang kabuuang budget deficit sa ng pamahalaang bayan ng Padre Garcia; ngunit sa kaniyang pagpupursige at paglalapat ng mga reporma ay naiahon niya ang munisipyo at naitala ang Php 13-million financial standing noong Hunyo 2017 o isang taon pagkaupo niya, at halos naging triple ito nitong Hunyo 2018 nang maitala ang Php 30-million financial standing ng manisipyo.

Noong 2016, naabot ng livestock auction market ang target nitong P8-milyong kita. Noon namang 2017 ay nahigitan nito ang target na P10-milyon at umabot pa sa P11.8-milyon ang kinita ng livestock auction market. Ngayong taong 2018 ay tinatarget ng Padre Garcia na makakolekta ng P12-milyon na possible naming maabot sapagkat pumalo na sa P6-milyon ang kita sa unang anim na buwan.

Pahayag ng punumbayan, bago matapos ang taong 2019 ay tapos na rin ang mga pangunahing pagawaing-bayan na tinututukan ngayon ng kaniyang administrasyon – ang public market, public cemetery, livestock auction market, community hospital at community college

Ipinagmamalaki ni Rivera na sa napanatili ng bayan ng Padre Garcia na kilalanin ang bayang ito bilang livestock trading capital of the Philippines kung saan ay itinaas pa ang level nito sa isang world-class trading market. Bukod sa pinahigpit ang kalinisan dito at isinaayos ang pangangasiwa, ginagawa na rin ngayon ang isang hotel kung saan ang mga may transaksyon o nagnenegasyo sa livestock industry ay maaaring tumuloy na hindi na kakailanganing pumunta pa sa ibang bayan.

Ang pamilihang bayan ng Padre Garcia ay patuloy nang isinasaayos kung saan ay isang modernong pamilihan na may dalawang palapag at maayos na parking area ang itinatayo, kasabay naman ng pagsasaayos din ng public cemetery.

Patuloy naman ang konstruksiyon ng community college na maaaring ipa-operate sa ibang public educational institution sa hinahanarap. Samantala ay positbo rin si Rivera na matapos ang community hospital na magiging self-sustaining health facilities dahil ipatutupad dito ang zero billing system at tatakbo ito bilang local economic enterprise ng munisipyo.

Patuloy din ang pagsusulong ng mga program sa edukasyon, pangkalusugan at iba pang social services at ang pagbibigay ayuda sa pagkakakitaan ng mga Garciano.

Samantala ay lubos naman ang katuwaan ng mga Garciano sa anila’y mabilis na pagsulong ng Padre Garcia.

“Progress is impossible without change, and those who cannot change their minds cannot change anything. Keep the true essence of being a servant leader.Good job! God Bless po!”, pahayag ni Patricia San Jose.

Hindi naman nagpahuli sa pagpapa-abot ng pagbati ang mga Garcianong nasa ibang bansa. Maging ang iba pang hindi taga Padre Garcia ngunit itinuring na sila’y mga Garciano rin. “Nasisiyahan po ako ng nalaman ko ang kaunlaran ng bayan ng Padre Garcia ang bayan po ito itinuring ko sarili kong bayan sa kadahilanan diyan po makatira ang mga naging tunay kong kaibigan,”pahayag ni Bert Martinez mula sa Toronto, Canada.

Tiniyak naman ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Noel C. Cantos ang suporta ng konseho sa mga programa ni Mayor Rivera na anila’y mabilis na nag-angat sa estado ng kanilang bayan.|

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

Kailangang magbuo ng isang corporate entity na siyang magpapaunlad sa Laguna Lake upang makamit ang buong potensyal nito. Ito ang panawagan ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules, September 11, 2024, sa kanyang sponsorship sa Senate Bill No. 2647 na...
BATANGAS -- Individuals transferring ownership of properties by way of succession would not need to pay for charges and interests for delayed payment of transfer taxes as the Sangguniang Panlalawigan acted on it with promptness, September 2. In a regular...
SAN JUAN, Batangas -- IN relation to the published Tropical Cyclone Bulletin Nr 08 issued by PAGASA as of 09:00 AM, September 02, 2024, the Philippine Coast Guard - San Juan Sub Station temporarily suspends voyages of all vessels/watercrafts...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -