29.9 C
Batangas

‘Pag-atras sa kandidatura, tsismis laang’, ayon kay Cong. Buhain

Must read

BALAYAN, Batangas — MARIING itinanggi ni Congressman Eric Buhain ang kumakalat na bali-balitang iniatras na niya sa kaniyang kandidatura para sa reeleksyon bilang kinatawan sa Kongreso ng Unang Distrito ng Batangas.

Sa isang post sa kanyang Official Facebook Page, sinabi ni Con gressman Buhain na isang panlilinlang at malinaw na isang tsismis o Fake News lamang ang kaniyang pag-atras.

“Hinding-hindi ako aatras, dahil ang tunay na lingkod-bayan, (ay) hindi nabibili, hindi natatakot, at hindi padadarag,” pahayag ni Cong Ertic.

Aniya pa, “tuloy ang laban dahil kahit sino pang bilyonaryo, hindi matitinag ang ating prinsipyo, at ipagtatanggol ko ang kinabukasan ninyo.”

Samantala, mensahe naman ni Cong. Buhain ‘sa mga umano’y nagpapakalat ng tsimisan ng atrasan, “Wish niyo laang”.

Matatandaan na sa noong makatapos maghain ng kandidatura, ay ipinakilala ng One Batangas sa pamumuno ni Finance Secretary Ralph G. Recto na ang opisyal na magiging opisyal na pambato ng One Batangas sa pagka-kongresista ng Unang Distrito ng Batangas.

Sa pagsisimula ng kampanyahan, ay magkasama pang naglibot sa ilang bayan ng Unang Distrito ang pambato ng One Batangas sa pangunguna ni Former Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto hanggang sa isagawa ang People’s Rally sa Lungsod ng Calaca kung saan nag-ikot pa ang grupo sa may bahagi ng Palengke ng Calaca hanggang sa iproklama sa mga Calacazens si Cong. Buhain.

Ngunit nabago ang lahat pagkatapos ng mga Mahal na Araw nang biglang ang iendorso ng One Batangas sa pagka-Kongresista ng Unang Distrito ay ang negoisyanteng si Leandro Legarda Leviste, ang anak nina dating Batangas governor Antonio Leviste at Senadora Loren Legarda.|

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

THE applause had not yet faded when Dharlene Gan of Dakila and the Active Vista Center stepped onto the stage, her words sharp and...
How can a seasoned geologist explain climate change to kids and how can kids understand such an intimidating concept? Through a children’s book and an...
The WVSU Cultural Center this Monday afternoon, September 8, was already alive before the program even began. In the lobby, ushers moved briskly, keeping...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -