25.6 C
Batangas

“Pag-uwi ng mga bakwit, opsyon lamang, di ipinag-uutos” – Mandanas

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

NILINAW ni Batangas governor at Provincial Disaster and Risk Reduction Management (PDRRM) chairman Hermilando I. Mandanas na bagaman at may opsyon ang mga bakwit na umuwi na sila sa kanilang mga tahanan, ay hindi naman ipinag-uutos ito ng lalawigan.

Aniya pa, kung sa pagtaya ng mga bakwit ay nanganganib pa rin ang kanilang seguridad sa kanilang pag-uwi, malaya aniya ang mga ito na manatili muna sa mga evacuation centers hanggang sa tuluyang magbalik sa normal ang sitwasyon sa bulkang Taal.

Tinitiyak din ng gobernador na may sapat na ayuda sa mga evacuation center para sa mga pangunahing pangangailangan ang mga bakwit gaya ng pagkain, tubig, tulugan at mga gamot at serbisyong medikal kung kinakailangan.

Kaugnay rin nito, inihayag din ng gobernador na nasa pagpapasya na rin ng mga punumbayan at punonglungsod kung bibigyan lamang nila ng window hour na makauwi sa kani-kanilang lugar ang kanilang mga constituents gaya ng naging desisyon ni Talisay mayor Gerry Natanauan, o kung papayagan nilang tuluyan nang makauwi ang mga bakwit sa kani-kanilang bayan.

“Liliwanagin laang natin na sa Tagalog, binibigyan na natin ang lahat na kung gustong umuwi, ay sila na ang magpapasya. Hindi natin sila inuutusan na umuwi, ngunit hindi rin naman natin sila pinipigilan,” pahayag pa ng gobernador.

Kabilang sa mga pinayagang makauwi ay ang mga residente ng Alitagtag, Balete, Cuenca, lemery, Lungsod ng Lipa, Malvar, Mataasnakahoy, San Nicolas, Sta. Teresita, Taal, Talisay at Lungsod ng Tanauan. Nanatili naman naka-lockdown ang Agoncillo at Laurel, samantalang permanent lockdown na ang volcano island.

Sa kabilang banda, nilinaw rin ni Mandanas na magiging pananagutan naman na ng sinumang alkalde kung papayagan nila ang kanilang mga bakwit na makapasok sa itinakdang 7-kilometer radius danger zone.|- BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -