31.1 C
Batangas

Pagbuhay sa Tingga Falls at Ilog Calumpang, hamon sa City ENRO

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

BATANGAS City – NANANATILING isang hamon sa City Environment and natural Resources Office (City ENRO) sa ialim ni City ENRO chief Oliver Gonzales ang pagbuhay na muli sa Tingga Falls at Ilog Calumpang na ngayon ay patuloy na sinisira ng mga duming nanggagaling sa mga agri-business sa mga barangay malapit dito.

Ang Tingga Falls na matatagpuan sa Tingga Labac na dating kilalang paliguan at pinagkukunan ng tubig ng mga naunang pamayanan sa lugar ay nagmistulang isang paagusan ng mga dumi ng hayop na nagtutuluy-tuloy naman sa Ilog ng Calumpang.

Sa maraming panahong pinag-uusapan sa pamahalaang panlunsod ang unti-unting pagkasira ng Ilog Calumpang, madalas na idinadahilan dito ay ang umano’y pagpapaagos ng mga dumi ng hayop mula sa mga manukan at babuyan sa mga bayan ng San Jose, Rosario at Ibaan na nagtutuloy sa naturang ilog.

Ngunit kamakailan lamang, sinabi ni Kagawad Gerardo Dela Roca na sa kanilang pagsisiyasat kasama ang mga opisyal ng mga barangay ay mismong sa mga babuyan at manukan sa mga barangay na sakop ng Lunsod Batangas nagmumula ang maruming tubig na bumabagsak sa Tingga Falls at nagtutuloy sa Ilog Calumpang.

Apela ni Dela Roca, ay masinop na ipatupad ng City ENRO ang mga batas ukol dito upang maibalik ang buhay at rilag ng mga naturang talon at ilog.

Binigyang-diin ng konsehal na may batas hinggil dito na anumang dumi na nangggagaling sa agribusiness  ay hindi pinapagayan na pumunta sa mga anyong tubig. Dadgdag pa niya, hindi naman pinipigilan ang paghahanapbuhay ng mga konsernadong mamamayan ngunit kailangang tiyakin muna ang pagsunod sa batas pangkalikasan.|With J. David /#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

‘If necessary, the government should also subsidize rice traders, not just small retailers, in order to keep the price caps sustainable’ House minority leader warns of potential ‘foreign state actors’ exploiting global surge in rice prices to undermine PH, other...
The countdown to Christmas Day begins on September 16 as SM launches a host of fun activities, deals, and surprises for each member of the family.  It starts with surprises each day! From September 16 to December 25, someone lucky...
NINE cooperative beneficiaries for food processing enterprises of the Department of Agriculture - Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) in CALABARZON were trained on Food Safety Hazards and current Good Manufacturing Practices (cGMP) facilitated by the Department of Science and...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -