27.3 C
Batangas

Pagpapabuti ng ani, kalidad ng langka, prayoridad ng PCAARD

Must read

- Advertisement -

By RICARDO R. ARGANA, MA. NOVA R. NGUYEN

LOS BAÑOS, Laguna – Pinag-aaralan ng isang proyekto ang pagpapabuti sa ani at kalidad ng langka.

Idedebelop at ipatutupad ng proyekto ang pinagsama-samang mga istratehiya sa pangangasiwa ng sakit ng langka kasama ang mga opsyon sa pangangasiwa ng pananim nito.

Ang proyekto ay pinondohan ng Australian Centre for International Agricultural Research (ACIAR) at ipinatutupad ng Visayas State University (VSU); Bureau of Plant Industry-Davao National Crop Research, Development and Production Support Center (BPI-DNCRDPSC); at  Department of Agriculture Regional Field Office No. 8 (DA-RFO 8).

Kasama ng ACIAR ang Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD) sa pagmomonitor ng proyekto.

Ang proyekto na may titulong “Tropical tree fruit research and development in the Philippines and Northern Australia to increase productivity, resilience, and profitability,” ay sinuri kamakailan sa isang pagpupulong na naganap sa Visayas State University (VSU).

Layon ng isang bahagi ng proyekto na pahusayin ang ‘vacuum fried jackfruit chips’ sa Leyte na bunga ng proyektong “Processing of Jackfruit into High Value Food Products” na ipinatupad din ng VSU.

Sinisiyasat din ng proyekto ang posibilidad ng ‘fresh-cut processing’ ng langka sa Pilipinas at sa Australia.

Ibinahagi ni Dr. Othello B. Capuno, Vice President for Research and Extension sa VSU, ang mga potensyal na oportunidad para sa industriya ng langka sa bansa.

Nagpahayag si Capuno ng pag-asa na ang suporta at pagtutulungan ng mga ahensya at mga samahan ay makatutulong upang maging matatag ang industriya ng langka sa bansa.

Ang proyekto ay bahagi ng “ACIAR-PCAARRD Horticulture Program on Fruits and Vegetables Phase 2” na ang layunin ay mapabuti ang kabuhayan at kasiguruhan sa pagkain ng maliliit na magsasaka sa mga piling lugar sa Visayas at sa Mindanao.|#BALIKAS_News

- Advertisement -
- Advertisement -

More articles

San Miguel Corporation (SMC) is undertaking the P44.77-billion Nasugbu-Bauan Expressway (NBEX) project that will provide a faster connection between the eastern and western portions of Batangas province. This comes after the Batangas provincial government granted the company’s infrastructure arm, SMC...
The 67th Session of the Commission on the Status of Women held on 6-17 March 2023 at the UNMHeadquarters in New York gathered representatives of member states, UN entities and non governmental organizations for the first in-person session since...
Responsive and committed government financial institution. In pursuit of its commitment to help other government institutions in optimizing operating efficiency and public service, the Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) turned over previously used office, furniture, and IT equipment to...
- Advertisement -

Latest article

- Advertisement -